MANILA, Philippines - Masusubukan ang tibay ng bagitong koponan na Arellano U sa pakiki-pagtipan nito sa three peat champion San Beda nga-yong araw para sa pagpapatuloy ng 85th NCAA basketball tournament na aaksyon sa The Arena, San Juan City dakong alas kwatro ng hapon.
Bitbit ang panalong natamo mula sa pakiki-pagbuno sa kapwa guest team na Emilio Aguinaldo at batikang Letran, tatangkain ng Chiefs na maipagpatuloy ang perpektong marka sa liga.
“This is probably our biggest test to date,” wika ng pinakabatang coach ng liga na gumigiya sa Arellano U. “We need to work twice, maybe thrice than we did in our first two wins for us to beat San Beda.”
Para sa pag-arangkada nito, lumutang ang galing ni Giorgio Ciriacruz at Adrian Celada na nagtulak sa Arellano na maangkin ang Fr. Martin Cup at NCRAA champion.
Bilang average points, kumamada si Ciriacruz ng 15 puntos, 6.5 rebounds, 2 blocks, 2 assists habang nagsubi rin ng signipikanteng marka na 16.5 points, 6 boards si PBL veteran Celada.
Subalit nangangamba sa magiging resulta, pinagtutuunan ng pansin ng Arellano ang tamang diskarteng ilalapat para maungusan ang San Beda at mapigilan ang pagbulsa ng puntos ni arsenal American Sudan Daniels na pumalit sa trono ni Nigerian Sam Ekwe.
Huhugot ng lakas mula sa tinamong pagkabigo nito sa San Sebastian, 77-83 noong nakaraang Linggo, sisikapin ng San Beda na maiahon ang koponan at lalong mapaigting ang kampanya. Ito ang gagamitin ng Lions upang makakubra ng setback matapos payukrin ang Mapua Cardinals sa opening game.
Samantala, para sa inisyal na sagupaan, magtatapat sa pang-alas dos na laban ang EAC at third guest team Angeles University Foundation na kapwa nagnanais makabangon.
Inaasahang itataguyod ng dalawang koponan ang bandera nito mula sa pagkakalugmok ng una sa kamay ng Chiefs at St. Benilde Blazers, 76-87 na gumapi sa Great Danes. (Sarie Nerine Francisco)