Cimatu bumato ng silver medal
SINGAPORE--Nasungkit ni Stephanie Cimatu ang kauna-unahang medalya para sa Philippines sa 1st Asian Youth Games dito.
Nahablot ng 15 anyos na si Cimatu, na mula Bangui Ilocos Norte, ang silver medal sa girl’s javelin matapos iposte ang 36.21m sa unang hagis. Ngunit naungusan ng Koreana na si Seonhye Lee ito sa kanyang itinapon na 41.01M sa ikalimang pagtatangka para sa gold.
Tatanggap ng insentibong P10,000 si Cimatu mula sa PSC at makakabilang ito sa National training pool. Bibigyan din siya ni Ilocos Norte governor Mike Keon ng insentibo.
Sa basketball, dinurog ng boys squad ang United Arab Emirates, 33-9 para makatuntong sa semifinals ng FIBA 3-on-3 kontra sa China ngayon.
- Latest
- Trending