MANILA, Philippines – Upang umabante sa second round ng $120,000 Bingo Bonanza, pinatunayan ni doubles specialist Rodel Bartolome ang lupit ng kanyang mga palo nang daigin si Rai Popat ng Wales sa pamamagitan ng 21-19, 21-11, kahapon sa Philsports Arena, Pasig City.
Habang karamihan sa mga RP bets ang nalaglag sa kani-kanilang engkwentro sa mga dayuhan, umusbong ang angking galing ni Bartolome, kung saan nangibabaw ito upang pangunahan sina Jaime Junio, Jose Martinez at Paul Co patungo sa Last 32 phase ng men’s singles ng Graded Four Star tournament na hatid ng Bingo Bonanza.
Kasalungat ni Bartolome, naisulong nina Junio, Martinez at Co via walkover win kontra Zi Wong, Zong Ren Ng at Yong Zhao.
Subalit may siguradong tiket na ang 4 locals sa next round kung saan hahamunin ni Bartolome ang no.7 at former world junior champion Chen Long ng China.
Sa kabila ng naikubrang pwesto, determinado si Chen na masungkit ang korona mula sa mga magagaling na manlalaro na sina world No. 1 Lee Chong Wei, at dating top players Lin Dan at Taufik Hidayat ng Indonesia
"I fell the pressure but I'm confident," ani Chen sa press launch ng event na inorganisa ng International Management Group at suportado ng Victor (PCOME Industrial Sales, Inc), PLDT Business Solutions, The Philippine STAR, Holiday Inn, Crowne Plaza, the Philippine Sports Commission at Solar Sports.
Samantala, sasabak ang magkapatid na Kennie at Kennivic Asuncion, tinanghal naman na runner up sa mixed doubles sa inaugural staging ng event na inorganisa ng International Management Group at kinikilala ng the Phil. Badminton Association, sa aksiyon ngayon.
"We hope to do well and we're focused on this. Everytime we play, the field gets tougher, especially now that there are many unknown but dangerous players but we're prepared," ani Kennie.
Para sa mga resulta, nabigo si Joper Escueta sa depensa ni Malaysian Kay Bin Yeoh, habang umuwi ring talunan sina Jobett Go, Gabriel Villanueva, Kelvn Dalisay at Aries Delos Santos sa kani-kanilang engkwentro.
Namayani naman ang husay ni Du Pengyu matapos igupo si Sonny Montilla sa 6-21, 5-21 iskor. Gayundin,naungusan ni Singaporean Robin Gonanza si Wilmer Frias.
Ang iba pang nagwagi ay sina Gao Huan ng China na nakatapat ni Ian Bautista at pinayuko naman ni indon Farhad si Kelvin Panganiban. (Sarie Nerine Francisco)