^

PSN Palaro

San Beda vs San Sebastian

-

MANILA, Philippines – Salpukan ng dalawang koponang pursigido sa pagkuha ng titulo, eeksena ang labanan sa pagitan ng reigning three peat champion na San Beda at San Sebastian sa inisyal na laban ng seniors, habang susuungin naman ng baguhang Arellano University ang daan sa pakikipagsapalaran nito sa mapanganib na Letran sa pagpapatuloy ng 85th NCAA basketball tournament ngayong araw sa The Arena, San Juan City.

Kapwa nakatikim ng unang panalo sa opening noong Sabado, pinakitaan ng Lions at Stags ang kani-kanilang kalaban ng pataubin ng una ang Cardinals, 85-25, habang hiniya naman ng Baste ang Perpetual Help Atlas sa pamamagitan ng 76-64 bentahe.

Sa unang laro, paniguradong pakakaabangan ang paglalaro ni American Sudan Daniels katulong ang tropa sa pakikipagtipan nito sa koponang tatlong beses na gumupo sa kanila sa apat na beses na paghaharap sa pre-season.

Sa kabilang banda, inaasahang didiskusbre ng mga panibagong taktika si San Sebastian mentor Ato Agustin na dating PBA player upang maialis sa comfort zone ang Lions na sumasandig kay Daniels na humalili kay Nigerian Sam Ekwe.

Para naman sundan ang naunang panalo ng Chiefs sa engkwentro nito kontra Emilio Aguinaldo College Generals, sisiguruhin ng Arellano University na mapanatili ang momentum ng grupo sa pagsubok nitong paluhurin ang Letran Knights sa larong aaksyon ng alas kwatro, para ikamada ang malinis na record.

Sa pagtutulungn nina Adrian Celada na nahubog mula sa PBL, kumolekta ito ng 19 points, kabilang ang 3 tres na pasabog, at ang kombinasyong 24 puntos, 15 rebounds, 4 assists, 4 blocks at 2 steals ng mag-utol na Gio at Isiah Ciriacruz ang tumulak sa malakas na pwersa ng Arellano.

Gayunpaman, tutukan ni Letran coach Louie Alas ang kalibre ng Arellano upang sikwatin ang panalo.

Tulad nila, ang Chiefs ay naglalaro sa ilalim ng matinding pressure defense, dahil dito nararapat aralin ni Alas ang paraan para malusutan at makaungos sa kalaban.

Sa isang impresibong laro, nakakamanghang napaguho ng Arellano ang matatag na depensa ng Letran sa pangu-nguna nina Smart Gilas Pilipinas standouts RJ Jazul at Rey Guevarra upang dominahin ang boards. Mula sa mga natutunan nito sa paggiya ni Serbian coach Raiko Toroman, naging malaki ang improvement nina Jazul at Guevarra na syang maari nilang gamitin para iposte ang panalo sa torneo. (Sarie Nerine Francisco)

ADRIAN CELADA

AMERICAN SUDAN DANIELS

ARELLANO

ARELLANO UNIVERSITY

ATO AGUSTIN

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

HELP ATLAS

ISIAH CIRIACRUZ

LETRAN

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with