^

PSN Palaro

Paeng naglista ng panibagong Bowling World Cup qualifying three-game record

-

MANILA, Philippines – Wala pa ring kupas ang six-time world champion na si Paeng Nepomuceno ng muling naglista ito ng Bowling World Cup National qualifying three-game record sa series na 815 noong nakaraang Linggo sa Superbowl Bowling Center sa Makati.

Mainit na nagpagulong si Nepomuceno ng 257, 269, at 289. Bumato rin siya ng 10 sunod-sunod na strikes sa kanyang huling laro. Ang Bowling World Cup eliminations qualifying ngayong taon ay hatid ng AMF-Puyat at co-sponsored ng Amway-Nutrilite.

Sinabi ni Kenneth Gavino, marketing manager ng AMF-Puyat na ang three-game series ni Nepomuceno ay bagong World qualifying record, sa loob ng nakalipas na 40 taong nag-iisponsor ang AMF-Puyat ng local eliminations.

Ang pangunahing 12 qualifiers sa bawat division na may highest 3-game series sa pagtatapos na yugto ang kuwalipikado ng makapasok sa center finals.

May dalawang center finals sa 2 period ng qualifying rounds. Ang unang period ay magtatapos sa susunod na linggo. Bawat center finals ay kabibilangan ng top 12 bowlers mula sa ladies at men’s division. Ang ladies ay lalaro ng 10 games at 12 games naman sa kalalakihan, at ang kabuuang pinfalls ay dedetermina kung sino ang papasok sa National finals.


vuukle comment

AMWAY-NUTRILITE

ANG BOWLING WORLD CUP

BAWAT

BOWLING WORLD CUP NATIONAL

BUMATO

KENNETH GAVINO

NEPOMUCENO

PAENG NEPOMUCENO

PUYAT

SUPERBOWL BOWLING CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with