Aksiyon sa AYG sasambulat na

SINGAPORE -- Matagum-pay na binuksan ang first Asian Youth Games dito sa Singapore Indoor Stadium kahit na may kinakatakutang Influenza A (H1N1) na nagpabalik sa ibang miyembro sa kanilang bansa.

May 43 bansa, kabilang na ang Philippines-- na binubuo ng 34 athletes, 15 coaches at 3 officials-- nakibahagi sa dalawang oras na seremonyas na kinakitaan ng mayamang kultura ng island city state na ito na matatagpuan sa dulo ng Malay Peninsula.

Binitbit ni Danica Therese Jose, basketball player, ang flag bearer ng bansa habang nagsilbi naman isa sa torch bearer si long jumper Joaquin Vincent Ferrer.

Naging panauhing pandangal si Singaporean Prime Minister Lee Hsien Long sa malamahikang opening na tinampukan ng “Garden in the City” performance ng 400 students.

Naging malapiyesta pa rin ang opening ceremonies baga-mat hindi pinadala ng Malaysian Ministry of Education ang ilang delegasyon dahil sa takot sa A (H1N1) bagamat sinabi ng Malaysian officials na hindi pa sila nagwi-withdraw sa football at sailing.

Ang Malaysian football team ay noong nakaraang dalawang linggo pa dumating sa Singapore para sa football preliminaries at noong nakaraang linggo naman ang kanilang sailing team.

Sasambulat ang aksiyon ngayon kung saan may nakatayang 8 gintong medalya--dalawa sa diving at anim sa athletics-- ang paglalabanan.

Ang mga events na paglalabanan ay sa boys’ 3-meter springboard at girls’ platform sa diving at boys’s pole vault, discuss throw at 1500m run at girls’ high jump, long jump at 1500m sa athletics.

Samantala, haharapin naman ng Filipino dribblers ang Iran ngayong alas-9:45 ng uma-ga at Mongolia bandang alas-3:35 ng hapon sa nasabi ding araw habang ang kababaihan naman ay lalaban sa FIBA 3-on-3 kontra sa Kazakhstan sa ganap na alas-12:25 ng hapon.


Show comments