^

PSN Palaro

Hindi rin pinalad si Lumacad: hindi umubra kay Arce

-

MANILA, Philippines - Matapos si dating Filipino world minimumweight champion Florante “Little Pacquiao” Condes, si Fernando Lumacad naman ang nakaranas ng kabiguan.

Ginamit ang kanyang malawak na eksperyensa, tinalo ni da-ting Mexican world super flyweight titlist Jorge “El Travieso” Arce si Lumacad via third-round TKO kahapon sa Boardwalk Hall sa Atlantic City, New Jersey.

Bago pabagsakin si Lumacad sa pamamagitan ng isang hard right sa huling 35 segundo sa third round, nanggaling muna si Arce sa kabiguan kay Vic Darchinyan sa kanilang unification figth noong Pebrero.

Nagpakita ng kanyang lakas si Lumacad, may 18-2-2 win-loss-draw ring record kasama ang 7 KOs, sa first at second round nang kumonekta ng ilang jabs at kombinasyon kay Arce (52-5-1, 40 KOs).

Subalit nang lumuwag ang depensa ni Lumacad ay isang right hand ang ikinonekta ni Arce sa kaliwang panga ng tubong General Santos City sa huling 35 segundo ng third round.

Samantala, napanatili naman ni Puerto Rican Juan Manuel Lopez (26-0-0, 24 KOs) ang kanyang World Boxing Organization (WBO) super bantamweight crown matapos talunin si Canadian challenger Olivier Lontchi (18-1-2, 8 KOs) mula sa isang ninth-round TKO.

Natalo naman si Condes kay Nkisonathi Joyi ng South Africa via unanimous decision para sa title eliminator ng International Boxing Federation (IBF) minimumweight noong Sabado sa East London, South Africa.

Si Condes ang dating IBF minimumweight champion bago ito naagaw ni Mexican Raul Garcia. (Russell Cadayona)

ATLANTIC CITY

BOARDWALK HALL

EAST LONDON

EL TRAVIESO

FERNANDO LUMACAD

GENERAL SANTOS CITY

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

LITTLE PACQUIAO

LUMACAD

SOUTH AFRICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with