^

PSN Palaro

Milo Marathon magbabalik sa kalsada

-

MANILA, Philippines - Magbabalik sa kalsada ang 33rd National Milo Marathon sa July 5, Linggo sa magkasabay na elimination legs sa Cebu City at Metro Manila.

Sinabi ni MILO AVP for MILO sports, Pat Goc Ong na inaasahan niyang hahatak ang karera ng pinagsamang 40,000 runners sa Cebu at Manila.

Ang qualifying time para sa Cebu at ibang provincial legs, na pinaglalaban sa 21 kilometers, ay isang oras, 15 minutos sa kalalakihan at isang oras at 35 minutos naman sa kababaihan.

Sa Metro Manila elimination, naman ay 42.195-kilometer marathon na may qualifying time na apat na oras sa kalalakihan at apat na oras at 30 minutos sa kababaihan.

Ang mga qualifiers ay aabante sa 42K national finals sa Oktubre 11 sa Quirino Grandstand sa Manila.

Inihayag ng MILO marathon national race organizer na ang cut off time sa 42K qualifying run sa Manila ay limang oras at sa 21K sa probinsiya naman ay dalawang oras at 30 minutos.

Kapwa may mga side events tulad ng 3K kiddie run, 5K fun run, 10K race at inter-school cheer-dance competition ang dalawang karera. Nadagdag naman sa Metro Manila ang 21K half marathon.

May kabuuang cash purse na P240,000 ang nakataya sa Cebu City habang P590,000 naman ang ipamimigay sa mga magwawagi sa Manila kabilang na ang P30,000 top prize sa top male at female 42K finisher.

Magtatapos ang registration sa Metro Manila sa June 30, 2009.

CEBU

CEBU CITY

INIHAYAG

KAPWA

MANILA

METRO MANILA

NATIONAL MILO MARATHON

PAT GOC ONG

QUIRINO GRANDSTAND

SA METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with