MANILA, Philippines – Ang mahusay na pagganap bilang ikalimang commissioner ni Emilio “Jun” Bernardino ang nagbunsod upang lumutang ang pangalan nito sa third batch ng inductees sa PBA Hall of Fame, kasama si Bobby Parks na naging seven time best import winner ng liga.
Upang linangin at pag-husayin ang nalalapit na pagbubukas ng 35th season na dadaluhan ng San Miguel legends na sina Allan Caidic, Avelino “Samboy” Lim, Hector Calma, Richard Brown at former PBA board chairman Carlos “Honeyboy” Palanca III ang pagpupulong sa Setyembre 19 sa Sofitel Hotel.
Ang final seven ay natap-yas mula sa orihinal na sampung bilang ng nominado buhat sa masuring pamimili ng komite sa pamumuno ni dating Vintage Enterprises bigwig Bobong Velez kabilang rin sa selection panel sina PBA commissioner Renauld “Sonny” Barrios, league chairman Joaqui Trillo, governors Lito Alvarez at Tony Chua, former PBA technical head Ricky Palou, Andy Jao, chairman ng Hall’s nomination committee, media bureau chief Willy Marcial,, sports editors Ding Marcelo ng Manila Bulletin at Teddyvic Melendres ng Philippine Daily Inquirer.
Bilang pagbabalik tanaw sa mga kontribusyon ni Bernardino, nagsilbi ang former UP Fighting Maroon bilang PBA commissioner noong 1993 hanggang 2001, subalit nagretiro dahil sa problema sa kalusugan.
Subalit noong 2004, sa pakikipagtulungan nito kina Palou at iba pang PBA ecxecutives, matagumpay nilang naitayo ang Sports Vision Management na responsable sa pagkakaroon ng Shakey’s V-League.
Bunga ng magandang record, tinalaga rin si Bernardino bilang 82nd NCAA commissioner noong 2006 subalit tuluyang binawian ng buhay dahil sa heart attack noong Marso.
Habang tumanggap naman ng nominasyon sina San Miguel Corp. chairman Eduardo Cojuangco, Jr., coach Ron Jacobs at Dante Silverio, former PBA president Domingo Itchon, import Norman Black, two-time MVP Abet Guidaben, pioneer pros Manny Paner at Danny Florencio, writer Tony Siddayao at broadcaster Pinggoy Pengson, makalipas ang dalawang taon. (SNF)