^

PSN Palaro

Posisyon sa PhilCycling tinanggap ni Romero

-

MANILA, Philippines – Matapos panandaliang bitinin ni Mikee Romero ang hiling ng PhilCycling, pormal na hinayag ng Harbour Centre franchise owner ang pormal nitong pagtanggap sa posiyon bilang pangulo ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling) sa interim basis.

Sa malaking partisipasyon ng mga siklista na lalahok sa nalalapit na SEA Games sa Laos sa Disyembre, dininig ni Romero ang kahilingan ng mayorya na pamunuan ang organisasyon.

"I am accepting this presidency in the interim basis or until after the SEA Games. I am just here to push for the SEAG competitions to move forward, as a caretaker of the cycling body at this point," ani Romero.

Subalit nilinaw rin ng PBL godfather na buong puso niyang susuportahan ang PhilCycling kahit wala itong posisyon.

"I don't need a position to help, I need to accept this port for the meantime so that our riders can compete in the SEA Games," dagdag pa nito.

Sa kabila ng kumakalabang organisasyon, nananatili ang grupo nina Romero at dating siklistang Roland Hiso ang siyang kinikilala ng Philippine Olympic Committee.

Bilang tulong, nangako rin si Romero na magbibigay ng 5 milyong piso para ilaan sa training at foreign competitions ng cycling team na naglalayong pagkaisahin ang buong cycling community, higit lalo ang grupo na pinamumunuan ni Tagaytay Mayor Bambol Tolentino.

"I am also reaching to my friend Mayor Tolentino to unite this NSA and may I not pose as a threat to anybody but rather as a unifying factor," positibong pahayag ng bagong pangulo ng PhilCycling. (SNFrancisco)

BILANG

DISYEMBRE

HARBOUR CENTRE

INTEGRATED CYCLING FEDERATION OF THE PHILIPPINES

MATAPOS

MAYOR TOLENTINO

MIKEE ROMERO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

ROLAND HISO

TAGAYTAY MAYOR BAMBOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with