Aguilar darating ngayon para sumama sa RP team
MANILA, Philippines - Matapos ang maugong na agawan ng Smart Gilas Pilipinas at Powerade Team Pilipinas sa serbisyo ng 6’10 na anak ni dating Northern Consolidated center Peter Aguilar, darating na mula Chicago si Japeth Aguilar para maging malaking bahagi ng Powerade Team Pilipinas ni coach Yeng Guiao.
Matapos makitaan ng malaking potensyal sa Ateneo na nagpatuloy pa ng karera sa Western Kentucky sa US NCAA, inaasahang malaking tulong sa koponan nina Asi Taulava ang gilas at tikas ni Aguilar.
Agad na sasabak sa practice si Aguilar sa kanyang pagdating para paghandaan ang dalawang importanteng torneong lalahukan ng grupo.
Maigting na training ang ipapalasap sa kanila para mau-ngusan ang mga kalaban sa W. Jones Cup sa Taipei na magsisimula sa July 18-28 at ang FIBA Asia World Championship qualifier na idaraos sa Tianjin, China sa Agosto 6-16.
Bagamat mayroong iniindang injury, kumpiyansa ang Team Pilipinas mentor sa kapasidad at kakayahan ni Aguilar.
“He can add to the solution of a perennial problem for the RP team – the lack of size and quickness in the 4 and 5 positions, ani Guiao. “Also, the urgent need for a naturalized player will be minimized somewhat with his presence.”
Tiwala na makakag-ambag para sa national team, umaasa si Guiao na magkaroon ng magandang kalusugan ang dating Atenista.
“Basically because of his physical attributes, he can dominate, We’re just hoping he can stay healthy and contribute to the cause of the national team.”
Para sa matinding eng-kuwentro, para kay Guiao ang Jones Cup ang maituturing na “real test” sapagkat malalakas na bansa tulad ng Iran, Jordan, South Korea, Japan, Lebanon at Kazakhstan ang kasali sa nasabing torneo habang ang 25th FIBA Asia Men’s Championship ang kinukunsidera para sa kabuuang halaga. (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending