^

PSN Palaro

Iba ang boxing sa pulitika

-

MANILA, Philippines - Ibang-iba ang boksing sa pulitika.

Kung isang tao lamang ang kalaban ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao sa ibabaw ng boxing ring, isang pamilya naman ang kanyang makakaharap para sa Congressional seat ng Sarangani sa 2010 Elections.

Makakabangga ng 30-anyos na si Pacquiao ang political clan ng Chiongbian na siyang namamayagpag sa Sarangani sa loob ng 14 taon.

"Kung satisfied ako sigu-ro sa ginagawa nila ‘di na ako tatakbo dahil masaya ako. Susuportahan ko na lang sila," sabi ni Pacquiao, tubong General Santos City, sa mga Chiongbians sa isang panayam. Pero nakita ko naman na kulang talaga. In how many years, wala silang naitulong sa mga tao."

Nauna na ring sinabi ni Rep. Erwin Chiongbian na hindi nila basta-basta bibitiwan ang paghawak sa Sarangani na siyang ipinaglaban ng kanyang ninunong si James L. Chiongbian para maging hiwalay na probinsya sa South Cotabato sa pamamagitan ng pagpapasa ng House Bill 00046.

Matatandaang natalo si Pacquiao para sa Congressional seat ng South Cotabato kay incumbent Rep. Darlene Antonino-Custodio noong 2007 Elections sa pamamagitan ng 35,000 boto.

Bago ang kanyang second-round TKO kay Briton Ricky Hatton noong Mayo 3 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada, pinakilala ni boxing announcer Michael Buffer si Pacquiao na taga-Sarangani province.

Matapos ito, nagparehistro si Pacquiao sa Comelec office sa Kiamba, Sarangani, kung saan ang kanyang asawang si Jinkee ay isang residente.

Mula sa pagiging adopted member ng administration party na Kabalikat ng Mamayang Pilipino (Kampi) noog 2007, tatakbo si Pacquiao sa Sarangani sa ilalim ng kanyang People's Champ Movement (PCM). (Russell Cadayona)

BRITON RICKY HATTON

CHAMP MOVEMENT

CHIONGBIAN

DARLENE ANTONINO-CUSTODIO

ERWIN CHIONGBIAN

GENERAL SANTOS CITY

GRAND GARDEN ARENA

PACQUIAO

SARANGANI

SOUTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with