MANILA, Philippines - Sa tindi ng opensang pinamalas, nangibabaw ang ginawang performance ni Rain or Shine rookie Gabe Norwood, sapat para tanghalin itong Motolite/Accel PBA Press Corps’ Player of the Week simula June 15 hanggang 21.
Sa ikalawang pagkakataon, hindi binigo ni Norwood ang ekspektasyon ng mga manonood, matapos unang makatanggap ng naturang pagkilala para sa May 25 to 31, kasabay ni Sta. Lucia Realty’s Nelbert Omolon noong Fiesta Conference quarterfinals.
Subalit tuluyan nang pinostehan ni Norwood ang award nang kumubra ito ng 15.3 points at 10.3 rebounds average, para suportahan ang kakulangan ng Elasto Painters sa pagkuha ng panalo matapos ang nakakasurpresang 2-1 arangkada kontra crowd favorite na Ginebra San Miguel noong Linggo para sa best of seven semifinals duel.
Sa kabila ng kawalan ng presensya nina Sol Mercado, Ryan Araña at Jireh Ibañes sa mga naunang laban, nananati-ling matatag ang Rain or Shine sa ilalim ng pamumuno ni Norwood na bumitbit ng panalo.
“Missing some key players, he became more aggressive in offense and defense,” ani Rain or Shine coach Caloy Garcia. Pinapurihan rin ng mentor si Norwood makaraang bumulsa ng 3.3 assists at 2.0 steals kada laro sa semis.
Bagamat, naging panguna-hing sandata na tumipa ng tagumpay, sumandig ang tropa sa likod nina Rob Wainwright, Tyrone Tang at JayR Reyes na nakapag-ambag ng malaki para sa grupo.
Gayunpaman, lumutang ang mala-king kontribusyon ng 24 anyos na na buhat sa PBL.
Ang 6’5 national player ay nakahablot ng 16 points, 10 rebounds at 3 steals para itala ang 101-95 bentahe sa opening game, subalit nabigong mau-ngusan ang Ginebra sa Game 2 ngunit matagumpay na nakaahon para idepensa ang koponan sa Game 3 ng kani-lang serye noong linggo.
Sa susunod na pag-haharap, tatangkain ni Norwood na ipinta ang panalo upang lumapit sa pinakaaasam na larawan ng kampeonato. (Sarie Nerine Francisco)