^

PSN Palaro

Vietnamese shuttler puspusan ang paghahanda

-

MANILA, Philippines – Bagamat nagpasiklab sa men’s single crown sa third Bingo Bonanza Philippine Open Badminton Championship, hindi nakuntento at umarangkada pa sa Top 10 ng WBF (World Badminton Federation) ranking ang Vietnamese na si Nguyen Tien Minh. Niyanig ng top Vietnamese shuttler na si Nguyen ang World No.1 Lee Chong Wei ng Malaysia sa nakaraang Singapore Series.

Determinadong magtagumpay sa kampanya kontra crack international field, puspusan ang pagsasanay na ginagawa para maisubi ang $120,000 papremyo sa event na magsisimula sa July 1-5 sa PhilSports Arena, Pasig City.

 Buhat sa No. 17 spot, naiakyat ni Nguyen ang sarili sa No.11 para ma-nguna sa five day championship ng torneong handog ng Bingo Bonanza.

Tatlong beses sa loob ng apat na taon, buong lakas na kumamada ng panalo, sumulong sa Vietnam International Challenge noong Abril at pair ng Last 16 na tumapos sa Asian Badminton Championships at Malaysia Super Series.

 Kabilang sa men’s plum sa five-day tournament na inorganisa ng International Management Group at kinikilala ng PBA (Philippine Badminton Association) sina No. 3 Lee Tsuen Seng ng Malaysia, England’s Andrew Smith, Sairul Amar Ayob ng Malaysia, Tommy Suguirto ng Indonesia, Wei Feng Chong ng China, ang pambato ng Hong Kong na si Yun Hu, Peng Du ng China at Weng Ki Wong ng Hong Kong.

 Sasabak rin sa 23 man local challenge sina Ralph Ian Mendez at Kelvin Da-lisay sa Grand Prix Gold event na suportado ng Victor (PCOME Industrial Sales Inc.), PLDT Business Solutions, The Philippine Star, Holiday Inn, Crowne Plaza at Solar Sports.

Kabilang rin sa papalo sina Ian Bautista, Antonio Gadi, Peter Magnaye, Joper Escueta, Wilmer Frias, Kelvin Panganiban, Raymond Padilla, Wilfredo Amoroso, Sonny Montilla, Kelvin Ang, Gabriel Villanueva, Lloyd Escoses, Patrick Magnaye, Jobett Co, Melvin Llanes, Jose Martinez, Aries delos Santos, Virgil Del Mundo, Paul Co, Jaime Junio, Rodel Bartolome, Gregg Paz at Ramon Dalo Jr. (SNF)


ANDREW SMITH

ANTONIO GADI

ASIAN BADMINTON CHAMPIONSHIPS

BINGO BONANZA

BINGO BONANZA PHILIPPINE OPEN BADMINTON CHAMPIONSHIP

BUSINESS SOLUTIONS

CROWNE PLAZA

GABRIEL VILLANUEVA

GRAND PRIX GOLD

HONG KONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with