^

PSN Palaro

Isa na lang

GAME NA! - Bill Velasco -

Isang laro na lang, makukuha na ng Los Angeles Lakers ang NBA championship. Bagamat pinahihirapan sila ng Orlando Magic, nakakalusot sila sa karanasan nila ng paglalaro sa Finals noong nakaraang taon. Sa mga nakaraang serye, kitang-kita ang kakayahan ng Magic na bumalik tuwing nababaon ng maaga.

Sa Game 4, nagsimula ang pagkawala ng lamang ng Orlando (12 puntos sa halftime) nang magsuwapang ang rookie na si Courntey Lee, at nagbunga ito ng turnover at sunud-sunod na pagkakamali ng Orlando. Nahirapan din ang Magic dala ng masamang free throw shooting, sa pangunguna ng anim sa 14 ni Dwight Howard. Ang ilan sa mga free throw na iyon ang magpapanalo sana sa kanila.

Mapalad pa rin ang Lakers. Una, hindi palaging maganda ang nilalaro nila. Matataas nga ang iskor ni Kobe Bryant, pero marami dito ay ginagawa sa first half lamang. Malaking tulong ang panibagong init na pinapakita ni Pau Gasol, na nakakahawa sa mga ibang Lakers.

Sa unang bahagi ng laro, naupo sanhi ng maraming foul sina Gasol, Andrew Bynum at Lamar Odom. Hindi ito nagamit ng Magic para sa kanilang kapakinabangan. Nakabili pa ng oras ang Lakers, at tumulong din ang tatlo sa huli.

Sa overtime, lumitaw ang karanasan ng Lakers. Mas maganda ang kanilang execution, at maraming situwasyon ang nalilikha para sa kanyang mga kakampi. Hindi sila kinabahan, at nalimitahan nila ang Orlando sa depensa. Dagdag pa rito, walang nagawa si Rashard Lewis, na malaki ang naitutulong sa buong playoffs. Dalawa sa anim lang ang three-pointers na nagawa niya, at dalawa sa sampung iba pang tira ang naitala. Hindi pwedeng mangyari iyon sa isang Finals game.

Ano ang dapat mangyari sa Game 5?

Una, kailangang makalamang ng malaki ang Lakers, para bumibigay na ang Magic. Pangalawa, mas makakuha ng bola si Dwight Howard sa loob. Pangatlo, kailangang pumasok ang outside shooting ng Magic, at kailangang matibay pa rin ang depensa ng Lakers.

vuukle comment

ANDREW BYNUM

COURNTEY LEE

DWIGHT HOWARD

KOBE BRYANT

LAKERS

LAMAR ODOM

LOS ANGELES LAKERS

ORLANDO

ORLANDO MAGIC

PAU GASOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with