Pacquiao may bentahe kay Mosley
MANILA, Philippines - Kung matutuloy ang pagpayag ni American world welterweight champion Sugar Shane Mosley na buma-ba ng timbang para makasagupa si Manny Pacquiao, may bentahe na agad na nakuha ang Filipino boxing superstar.
Ito ang pananaw ni world flyweight titlist Nonito "The Filipino Flash" Donaire, Jr. hinggil sa maaaring maging kalamangan ng 30-anyos na si Pacquiao sa 37-anyos na si Mosley.
"Physically, malaki talaga si Mosley, and getting down in weight might take a lot from him," ani Donaire kay Mosley. "Medyo may edad na si Mosley so it might take a toll in his body as well and he's (Pacquiao) gonna have a big advantage."
Si Mosley ang kasalukuyang World Boxing Association (WBA) welterweight king, habang si Pacquiao naman ang bagong International Boxing Organization (IBO) light welrterweight ruler.
Nagkaroon ng bentahe si Pacquiao nang bumaba si Oscar Dela Hoya buhat sa pagiging isang light middleweight para sa kanilang non-title welterweight fight kung saan umiskor si "Pacman" ng isang eight-round TKO noong Disyembre ng 2008.
Maliban kay Mosley, nasa listahan rin ng kampo ni Pacquiao sina American Floyd Mayweather, jr. at Puerto Rican Miguel Cotto.
"Speed for speed, Manny is hard to top because mabilis si Manny eh. And the thing about being lefty and righty is as a fighter you can take him out away from the distance pero hindi ka na makakabalik or you can get him and cut him off right away," sabi ni Donaire, ang kasalukuyang IBO at International Boxing Federation (IBF) flyweight champion. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending