Co, Lagrisola nangunguna sa Associate Masters
MANILA, Philippines - Natunton nina Jackson Co at Nida Lagrisola ang kanilang laro noong Biyernes ng gabi at umabante sa men’s at ladies Associate Masters ng 38th Philippine International Open Tenpin Bowling Championships at Paeng’s Midtown Bowl sa Robinson’s Place sa Malate, Manila.
At dahil hindi natinag ang standing, ginamit ito ni Lagrisola upang maagaw ang eksena sa torneong hatid ng University of Perpetual Help System, Department of Tourism, Amway Philippines, Philippine Sports Commission, Chowking, Colgate-Palmolive, The City Bowling Shop, USAct, Pearl Garden Hotel, Nestle Philippines, Paeng’s Midtown Bowl at Pan Pacific Manila, official hotel.
Nagpagulong ng 639 si Co kasama ang naunang 594 para sa kabuuang 1,233 at maungusan ang kakamping sina Kenneth Piedad (1,218) at Art Roxas (1,199), na pumapangalawa at ikatlo, ayon sa pagkakasunod.
Sa kabilang dako, si Lagrisola na naghagis ng 542 sa unang tatlong game series, ay umiskor ng 590 para sa kabuuang 1,132 output at maunahan si second placer Lou Laforteza ng TBAM-Prima ng 29 pins (1,103). Ikatlo naman si PTBA Jojie Cabacungan (1,092) ng PTBA.
Ang tanging nagalaw ay sa elite class O ladies Masters qualifying kung saan umakyat sa third place si national pool member Dyan Coronacion matapos maghagis ng 625 at 635 sa kabuuang 1,260 may 12 pins abante sa ka-teammate na si Kim Lao, na nasa ikalawa. Nanatiling walang kalaban si 2007 champ Liza del Rosario sa Ladies’ local pool (1,304).
- Latest
- Trending