8 boxers ng Davao del Norte umusad sa semis
PANABO CITY, Philippines -- Walong boksingero mula sa Davao Del Norte ang nakapasok sa semis ng Smart-ABAP Mindanao Amateur Boxing Tournament kahapon sa Panabo Multi-Purpose Tourism and Cultural Sports Center dito.
Pinigil nina pinweights Mark Anthony Barriga at Victorio Saludar III ang kani-kanilang kalaban sa unang round nang ipakita ng host Davao del Norte ang daan sa walo ng siyam na weight categories sa juniors division.
Pinsan ng RP boxer na si Joel Barriga, tinalo ng 16 anyos na si Barriga si Richard Ocaves ng Cabadbaran, Agusan del Norte sa pamamagitan ng referee-stopped-contest outclassed sa loob ng 42 segundo at makaabante sa semis ng Mindanao qualifying para sa ABAP National championship na gaganapin bago matapos ang taon.
Si Saludar, 18 anyos, ay umaasa namang masusundan ang yapak ng kapatid na national member na si Rey Saludar nang pabagsakin niya si Walter Rivera ng Valencia, Bukidnon sa sunud-sunod na suntok sa loob ng 21 segundo magtatapos ang starting bell.
Ang iba pang boksingerong pumasok sa semis para sa Davao del Norte ay sina Raffy Cavan (flyweight), Rejie Tabanao (light bantam), Glen Canteveros (light fly), Jolan Bunghanoy (fly), Alfredo Deano (bantam) at Jay-Ar Inson (feather).
- Latest
- Trending






















