^

PSN Palaro

No. 3 ang Adamson

-

MANILA, Philippines – Dinetalye ang pagiging kampeon pinayuko ng Adamson ang Far Eastern University sa 25-16, 25-21, 25-15 panalo nito para isaayos ang semis duel sa San Sebastian ng ikaanim ng edisyon ng Shakey’s V-League sa The Arena, San Juan City, kahapon.

Nilamon ng Falcons, bumwelta ng 11 hits si Jill Gustilo para pagreynahan ang laro.

Sa pinagsamang lakas nina Angela Benting at Paulina Soriano, kumana ang dalawa ng tig-9 points para asintahin ang panalo sa pagsasara ng single round quarterfinal phase ng ligang hatid ng Shakey’s Pizza at ipinirisinta ng Cherifer.

Bunga nito, napuwesto sa No.3 spot ang Lady Falcons kung saan makakasagupa nila ang top 2 seed na San Sebastian, habang mg-uumpisa ang bakbakan sa pagitan ng FEU at topnotcher UST para sa best of three series ng Final Four.

Kumubra ng 8 points ang reigning MVP na si Nerissa Bautista sa krusyal na laban ng Adamson para i-angkla ang koponan sa No.3 spot.

Sa kabilang kampo, hindi sumapat ang 14 points tala ni Rachel Anne Daquis nang kulangin ang suporta mula sa mga kaalyadong sina Mayeth Carolino na tumapos lamang ng 8 points.

Humina rin ang puwersa ng ibang FEU mainstays na sina Irish Morada at Cherry Vivas na may 5 point output sa huling engkwentro para sa semis.

Sa naunang laban, naungusan ng University of St. La Salle ang kapwa nito provincial team na University of San Jose Recoletos sa pamamagitan ng 25-12, 25-18, 25-14 para isara sa 1-4 baraha ang kartada ng Jaguars sa ligang suportado ng Accel, Mikasa, Mighty Bond at OraCare. (Sarie Nerine Francisco)


vuukle comment

ADAMSON

ANGELA BENTING

CHERRY VIVAS

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

IRISH MORADA

JILL GUSTILO

LADY FALCONS

MAYETH CAROLINO

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with