7 na ang nagkumpirma ng kanilang partisipasyon

MANILA, Philippines – Buhat sa 15 bansang inaanyayahan, 7 ang kumpirmadong makikilahok sa pagbubukas ng Bingo Bonanza Philippines Open Grand Prix Badminton Championship na magsisimula sa July 1-5 sa Philsports Arena, Pasig City para paglabanan ang nakatayang S120,000 bilang premyo.

Pinangungunahan ng China, ang maagang lineup ng top notch international team wing, na makikipag-agawan sa titulo sa five divisions ng blue ribbon event na tinatampukan ng 29 player contingent na magpapakitang gilas sa paluan.

Kabilang sa mga bansang babandera sa weeklong tournament ay ang England, Vietnam, Germany, Canada at Malaysia. sa mga susunod na araw, Inaasa-hang magpapahayag ng kanilang partisipasyon sa BWF (Badminton World Federation) ang mga magagaling na bansa tulad ng Hong Kong, Indonesia, Singapore, India, Chinese-Taipei, Japan, Russia at Macau.

Ito ang ikatlong pagkakataon sa loob ng apat na taon na hinatid ng Bingo Bonanza ang badminton championship matapos ang pagsuporta nito sa Beijing Olympics noong isang taon.

Samantala, sisiklab ang pwersa ni world junior champion Chen Long na makakapaglaro sa mas malawak na court para iuwi ang medalya.

Sa tulong ng Chinese men’s single squad na sina Zhou Wenlong, Du Pengyu, Gao Huan and Lu Qiching ang hihila ng tagumpay para sa bansa. Habang sina Jiang Yanjiao, Wang Xin, Wang Shixian at Li Xuerui, ang dedepensa sa mga Tsino para igiya ang ladies singles plum sa torneong suportado ng Victor (PCOME Industrial Sales, Inc), PLDT Business Solutions, The Philippine STAR, Holiday Inn, Crowne Plaza at Solar Sports.

Kasama pa sa mga play-ers na aabangan ng mga fans ay sina World No. 11 Tien Minh Nguyen ng Vietnam, No. 22 Andrew Smith ng England, Welshman Raj Popat at ang pambato ng Malaysia na si Wee Chung Pei na magpapasiklab sa event na inorganisa ng International Management Group habang para sa ladies plum, maaksiyong laban ang handog nina Vietnamese Nguyen Nhung Le Ngoc, world No. 49 Charmaine Reid ng Canada at No. 52 Nicole Grether ng Germany na tatampukan ng men’s at ladies doubles at mixed doubles events. (SNF)


Show comments