^

PSN Palaro

SSC pinakitaan ng UST; semis, kinumpleto ng AdU

-

MANILA, Philippines - Bilang patikim sa magi-ging aksyon sa posibleng magkakaharap sa championship, pinakitaan ng University of Santo Tomas ang San Sebastian na hindi sila nararapat makisosyo sa liderato ng una.

Matapos paluhurin sa umaatikabong four set play, nailampaso ng Lady Tigress ang Stags sa pamamagitan ng 19-25, 25-23, 25-18, 25-23 para angkinin ang top seeding sa semifinal round ng sixth Shakey’s V-League sa The Arena, San Juan City kahapon.

Kasabay sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, buong lakas na pinuwersa ni Mary Jean Balse na maiuwi ang panalo bilang regalo sa sarili. Tumipa ng 18 kills na tumapos ng 20 points, kabilang ang down-the-line hit, muling napatalsik ng UST ang SSC sa ikalawang pagkakataon.

Sumandig ang tropa sa likod Aiza Maizo at Michelle Carolino na nagbigay daan sa panalo ng UST.

"I told them that we need to win this one though we were only fighting for the seeding. I was satisfied with how they played - service and defense, especially in the second set," anii UST coach Cesael de los Santos .

Bunga ng panalo, ang perpektong baraha ng UST ang magdadala sa kanila sa bakbakan kontra sa No.4 team, habang makakatunggali naman ng SSC ang No. 3 team para sa best-of three-series sa ligang hatid ng Shakey’s Pizza at ipiniprisinta ng Cherifer. 

Samantala, tabla sa 2-2 marka, maglalaban para sa No. 3 spot sa huling quarterfinal round playdate Adamson at Far Easter University bukas.

Sa panimula ay umarangkada ang Lady Stags na pursigidong ilakad ang 2-0 panalo subalit naharangan ng opensa nina Balse at Maizo ang estratehiya ng SSC na nagbigay kalamangan para sa UST.

Sa hawak na advantage, hindi na pinayagan ng UST na maagaw ang momentum nang angkinin nito ang 3rd at 4th set para kumpletuhin ang panalo at maging top seed team sa semis.

Kinulang sa suporta, tila nabalewala ang 17 points lista nina Lou Ann Latigay at Rysabelle Devanadera, na hindi umubra sa tala ng UST.

Sa naunang laban, winakasan ng Adamson ang karera ng University of San Jose Recoletos matapos tapusin sa pamamagitan ng 25-12, 25-8, 25-16 ang laban at angkinin ang huling puwesto sa semis ng ligang suportado ng Accel, Mikasa, Mighty Bond at OraCare. (Sarie Nerine Francisco)

ADAMSON

AIZA MAIZO

FAR EASTER UNIVERSITY

LADY STAGS

LADY TIGRESS

LOU ANN LATIGAY

MARY JEAN BALSE

MICHELLE CAROLINO

MIGHTY BOND

RYSABELLE DEVANADERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with