^

PSN Palaro

National players sinuspinde ng Baseball Phils.

-

MANILA, Philippines – Pinatawan ng indefinite sus­pension ng mga Baseball Philip­pines team owners ang mga national players na hinati sa anim na koponan na kalahok sa Series V.

Nagdesisyon ang mga may-ari matapos magpulong nitong Biyernes upang talakayin ang ginawang di paglalaro ng mga nationals noong Mayo 23 at 24.

Naunang pinagpaliwanag ng mga team owners ang mga manlalaro kung bakit nila ginawa ang aksyon at ipinunto ng mga players ang patuloy na pagbato ng kritisismo sa ipinakikita ng il­ang kasamahan.

Bagamat naintindihan ng mga team owners ang hinaing ng mga ito, hindi naman nila basta-basta mapapalampas ang biglaang pagtalikod ng mga man­lalaro sa kanilang responsibilidad sa mga kumuhang teams.

“After a thorough deliberation on the matter among the team owners and management of Baseball Philippines with the end view of preserving the integrity and stability of the league and all the stakeholders and general public, we have decided to in­definitely suspended the national players from participating in the league effective immediately,” wika ng liham na nilagdaan ng anim na team owners.

Umabot sa 24 ang national players na naglalaro sa liga at dahil sa pangyayari, inihayag ni Community Sports Inc. market­ing head Chito Loyzaga ang pagbibigay ng karapatan sa mga koponan na kumuha ng manlalarong ipapalit sa mga pinagbawalang manlalaro.

“Binibigyan namin sila ng pagkakataon na kumuha ng mga bagong manlalaro na dapat ay maibigay ang pangalan sa Lunes. It’s an unfortunate incident but the league have to go on,” wika pa ni Loyzaga.

Samantala, dala ng malakas na pagbuhos ng ulan kahapon ng umaga ay hindi nailaro ang tagisan ng Cebu at Dumaguete at inilipat ito ngayong ika-10:30 ng umaga.

Naidaos ang aksyon sa Ca­gayan Carabaos at Quezon City Angels sa Junior Baseball Philippines at pinalawig ng Ca­rabaos ang winning streak sa 5-0 sa pamamagitan ng 10-0 tagumpay.

Walong runs nga ang iniskor ng Carabaos sa first inning la­mang at si Bryan Lumbres ay may dalawang RBI’s at dala­wang run sa dalawang pagpalo sa nasabing inning.


BASEBALL PHILIP

BASEBALL PHILIPPINES

BRYAN LUMBRES

CHITO LOYZAGA

COMMUNITY SPORTS INC

JUNIOR BASEBALL PHILIPPINES

QUEZON CITY ANGELS

SERIES V

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with