Microsoft IE8 Run

MANILA, Philippines - Tatakbo ngayon ang first Microsoft IE8 Run fires ganap na alas-6 ng umaga na magmumula sa 28th Street of the Fort Bonifacio Global City, ang kinikilalang mbagong sporting hub ng Metro Manila.

Ang Microsoft new Internet Explorer 8, ay may kompetisyon sa 8 miles (12.87 Km), 4 miles (6.44 K.m.) at 2 miles (3.22 Km). Ang 2-mile run ay may dibisyon sa mga kabataan. Inaasahang may 1,500 runners ang lalahok.

Sinabi ni Race director Rudy Biscocho na kailangan ang lahat ng partisipante ay nasa assembly area na sa 28th St sa The Fort Bonifacio Global City ng hindi lalagpas sa alas-5 ng umaga para sa briefing at warmup exercise bago magsisimula sa alas-6 ng umaga.

May nakalaang P64,500 ang nakalaan sa karerang ito.

Inaasahan ang pagtakbo nina Olympian Eduardo Beunavista, Rene Herrera, Reynaldo delos Reyes at Christabel Martes.

Show comments