Sino ang makakalaban ng San Miguel?
MANILA, Philippines – Kapag pinagbasehan ang playoff chart, nakikini-kinita ng mga eksperto at manonood ng liga na makalaban ng San Miguel Beer sa Motolite PBA Fiesta Conference finals ang alinman sa Barangay Ginebra, Purefoods o Talk N Text.
Sa kabuuan, magaan na makakapasok sa kanilang bracket ang Beermen habang ang Kings, Giants at Tropang Texters ay maglalaban-laban sa sarili nilang grupo sa playoff phase na magsisimula bukas.
Samantala, tinanghal na co-winners sina Ronald Tubid ng Ginebra at Asi Taulava ng Talk N Text sa Motolite Accel Player of the Week para sa May 20-24 week.
Binanderahan ni Tubid ang Kings para sa outright semis entry, habang pinalakas naman ni Taulava ang Tigers sa No. 8 sa playoff.
Makikipagbuno naman ang Rain or Shine at Burger King kontra sa Barako Bull at Alaska, ayon sa pagkakasunod sa Day 1 ng playoff. Dahil seeded No. 3 at 4, ang Elasto Painters at Whopper ay may twice-to-beat advantage laban sa Energy Boosters at Aces sa kanilang match-up.
Maghaharap naman sa knockout match ang Sta. Lucia Realty at Coca-Cola at Purefoods laban naman sa Talk N Text.
Ang Burger King, Alaska, Sta. Lucia at Coca-Cola ang nasa top bracket kasama ang San Miguel habang ang Barako Bull, Rain or Shine, Purefoods at Talk N Text ang nasa bottom bracket kasama naman ang Ginebra.
Ang Beermen at Kings ay kapwa naman seeded sa semifinals dahil sa pagiging top two team nila sa classification round.
- Latest
- Trending