UST nakasiguro ng playoff sa semis
MANILA, Philippines - Sinigurado ng University of Sto. Tomas ang ikatlong sunod na panalo matapos igupo ang University of San Jose Recoletos, 25-6, 25-19, 25-19, para sa playoff sa semis ng sixth Shakey’s V-League sa The Arena, San Juan City.
Sinakmal ng Tigers ang kalaban makaraang pumalo ng 15 hits si Mary Jean Balse kasama sina Michelle Carolino at skipper Aiza Maizo na nag-ambag ng 11 points para dominahin ang laban at idispatsa ang kulelat na USJR.
Puspusan ang kampanya para sa ikaapat na championship title, minanipula ng Lady Tigers ang laban buhat sa 51-26 quick plays nina Maizo at Balse.
Sa kabilang banda, ang 10 points produksyon ni Erica Verano ay hindi sumapat para sustinihan ang unang panalo ng USJ-R sa serye ng torneong hatid ng Shakey’s Pizza at suportado ng Accel, Mikasa, Cherifer, Mighty Bond at OraCare.
Samantala, nakaahon naman ang Adamson mula sa pagkakalunod sa depensa ng UST matapos durugin ang St. La Salle Bacolod, 25-21, 25-13, 25-10 para makausad sa semifinal round.
Bumawi mula sa pagkatalo, pumalo ng 11 hits si Rissa Jane Laguilles at 17 kills si MVP Nerissa Bautista para iankla ang panalo.
Bunga ng pagkabi-gong ito, naupo sa huling pwesto ang Lady Stingers at Jaguars na kapwa walang panalo sa serye.
Para mapanatili ang tiket sa semis, kinakaila-ngang masweep ng Jaguars ang 3 sunod na laro.
Mahigpit na depensa din ang inilatag ng defending champion Lady Falcons sa kalaban nang malimita nila ito sa 23 puntos laban sa huling dalawang sets ng kanilang laban na umabot ng 1:14 minuto. (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending