Bustamante umusad sa quarterfinals

LIPA CITY, Philippines -- Naging magaan ang panalo ni Francisco “Django” Bustamante kay Mike Takayama, 9-1, para mauna sa quarterfinals ng Manny Villar Cup Calabarzon leg kahapon sa SM City Mall dito.

Gamit ang kanyang ma-lawak na karanasan hindi pinaporma ni Bustamante si Takayama ng kunin nito ang 6-0 lead tungo sa kanyang ikalawang sunod na panalo sa ikawalong leg ng prestihiyosong  island-hopping series hatid ng Villards: Tulong sa Pagsulong ng Philippine Sports ni Senator Manny B. Villar.

Makakalaban ni Bustamante ang isa ring sumisikat na si Carlo Biado sa quarterfinals kahapon.

Naiposte ni Biado,  24-gulang mula sa La Union, ang ikalawang panalo matapos ungusan si Egie Geronimo, 9-7, sa Last 16 encounter sa three-day event na ito na coorganized ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines, sponsored ng Camella Communities at sanctioned ng Billiards and Snooker Congress of the Philippines.

Umusad din sina datingnational champion Lee Van Corteza at Ricky Zerna sa round-of-8.

Nanalo rin sa wakas si Corteza sa kapwa Davaoeno na si Gandy Valle sa tournament play matapos manalo sa dalawang huling break para sa 9-4 panalo na nagtakda ng kanyang susunod na laban kay Zerna, na nanalo naman kay Rene Mar David, 9-7.

Ang unang panalo ni Corteza ay kay Joven Bustamante, 9-7, habang sinilat naman ni  Zerna si Efren “Bata” Reyes, 9-8.

Pinaglalabanan pa ang apat na quarterfinals slots habang sinusulat ang balitang ito.

Kinakalaban pa ni da-ting double world champion Ronnie Alcano si Bacolod leg winner Rodolfo Luat; naglalaro pa sina newly-crowned International 10-Ball titlist Dennis Orcollo at Antonio Lining; naglalaban pa sina Alabang leg ruler Warren Kiamco at Jose “Amang” Parica at nagsa-sarguhan pa sina Bulacan leg titleholder Ramil Gallego at Elmer Haya.

Show comments