^

PSN Palaro

Barroca nagbida sa panalo ng Titans

-

MANILA, Philippines - Tuluyan ng niyurakan ng maalamat na Oracle Titans ang pag-asa ng Cobra Ener-gy Warriors na makapasok sa Finals matapos pagharian ang best of five series ng 2009 PBL PG Flex Unity Cup na ginanap kahapon sa Emilio Aguinaldo College gym.

 Napatunayan ng nagbabalik na RP developmental player na si Mark Barroca na kaya nyang gumawa katulad ng isang import makaraang magpasiklab ng umaatikabong 30 puntos para isalba ang tropa sa kahihiyan.

Bunga ng mataas na scoring, pinakitaan ni 5 foot 10 FEU Tamaraw si Lawrence Chongson na nagpahayag na hindi ito natatakot sa pagbabalik sa playing court ng grupo nina Barroca, Aldrech Ramos, JR Cawaling, at Mac Baracael na lumiban sa walong laro ng Titans matapos lumipad sa Jakarta, Indonesia para lumahok sa FIBA-ASIA Championship.

Mula sa ratsada ng Cobra sa huling dalawang laban, matagumpay na naagaw ng Titans ang momentum sa pamamagitan ng malakas na pagbabalik ng Zamboangeñong si Barroca na humakot ng 8 rebounds, 3 steal at 2 assists para ituloy ang dinastiya ng Batang Pier, 97-77 bentahe. 

 Nakaramdam ng kaba ang Oracle Residences ng malagay sa binggit ng ala-nganin matapos maghari sa unang dalawang laban ngunit sa determinasyon ng Cobra Energy Warriors naitabla ang serye na tumulak sa do-or-die match.

 Sa naikubrang panalo, ang prangkisa ni Mikee Romero ay nahaharap sa best of three title showdown kontra Pharex na magsisimula sa Martes sa San Juan Gym.

Ito rin ang hudyat para sa pag-abante ng record-setting franchise Harbour Centre sa ikapitong sunod na kampeonato sapul nang lumahok sa liga may apat na taon na ang nakakalipas.

 Sa unang yugto pa lang ng laban, umarangkada na ang FEU cager nang makipagsabayan sa pambato ng Cobra na si Paul Lee na humakot ng 21 points sa unang dalawang quarters matapos magrehistro ng three of four mula sa three point zone.

 Si Barroca ang naging pangunahing manlalarong nagdala sa Titans sa tagumpay matapos tumipa ng karagdagang 10 puntos para idistansya ng koponan, 71-59 marka, habang patungo sa huling 10 minuto.

“Mark spelled the difference this time. This was a tough series,” pahayag ni Oracle coach Glenn Capacio. “But it was not only Mark who played well, everybody contributed to the cause.”

 Sa tulong nina Rico Maierhofer at Jerwin Gaco nakapagbulsa ng double-double points, bukod sa 11 at 12 rebounds ang dalawang beterano para ilapit ang Titans sa pag-angkin ng ikapitong championship title ng liga. 

Samantala, tumapos si Lee ng 29 points, na kinulang dahil sa maliit na ambag nina Patrick Cabahug at Parri Llagas na may 15 at 12 points, ayon sa pagkakasunod sa malungkot na wakas ng karera ng Warriors.

 Oracle 97 -- Barroca 30, Maierhofer 14, Gaco 14, Timberlake 10, Cawaling 9, Fernandez 7, Labagala 5, Asoro 4, Baracael 2, Ramos 2.

 Cobra 77 -- Lee 29, Cabahug 15, Llagas 12, Espiritu 8, Reyes 7, Martinez 3, Lingganay 2, Daroya 1, Acuna 0, Colina 0, Fortune 0, Fampulme 0.

 Quarterscores: 20-22; 43-38; 71-59; 97-79.

ALDRECH RAMOS

BARROCA

BATANG PIER

CAWALING

COBRA ENER

COBRA ENERGY WARRIORS

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FLEX UNITY CUP

GLENN CAPACIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with