^

PSN Palaro

Lady Falcons sinakmal ng Tigresses

-

MANILA, Philippines – Pinigil ng University of Santo Tomas si Rissa Jane Laguilles ng Adamson University upang hatakin ang 25-17, 21-25, 25-19, 25-19 tagumpay noong Huwebes ng gabi at makisosyo sa liderato sa San Sebastian College sa quartefinal round ng Shakey’s V- League sa The Arena sa San Juan.

Sa atake ni Aiza Maizo, nagpakawala ang Tigresses ng apat na hindi nasagot na puntos sa ikaapat na set upang basagin ang 11-all pagkakatabla tungo sa pagbomba sa Lady Falcons sa tagumpay may 1:39 ang nasa orasan.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Tigresses para makapantay ang SSC sa liderato sa single round phase ng torneong hatid ng Shakey’s Pizza at inorganisa ng Sports Vision.

Hindi pinaporma ng Lady Stags ang provincial team na University of St. La Salle-Bacolod at University of San Jose Recoletos sa kanilang paglulunsad sa kanilang kampanya sa ikalawang sunod na kampeonato matapos magreyna sa second conference noong nakaraang taon.

Nalaglag naman ang defending champion Lady Falcons sa 0-1 baraha katabla ang USLS-Bacolod.

“Our blocking was good and we really put our focus on Laguilles,” pahayag ni UST coach Cesael delos Santos.

Binanderahan ni Michelle Carolino ang UST sa kanyang 18 points, kabilang ang tatlong blocks habang nag-ambag naman sina Mary Jean Balse at Maizo ng tig-16 hits bawat isa. (Sarie Nerine Francisco)


vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

AIZA MAIZO

LADY FALCONS

LADY STAGS

MARY JEAN BALSE

MICHELLE CAROLINO

RISSA JANE LAGUILLES

SAN JUAN

SAN SEBASTIAN COLLEGE

SARIE NERINE FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with