^

PSN Palaro

Kings lumalapit sa outright semis

- Joey Villar, Nelson Beltran -

MANILA, Philippines - Habang tumatagal ay pahusay nang pahusay ang Barangay Ginebra sa kanilang import na si David Noel at payukurin ang Coca-Cola, 122-85 sa isa sa lopsided game sa liga sa nakalipas na dalawang taon, at manatiling nasa tamang daan patungo sa outright semis ng Motolite PBA Fiesta Conference sa Araneta Coliseum.

Umiskor ang Kings sa halos lahat ng departamento ng idimolisa nila ang Tigers para sa win No. 8 na nagsiguro sa kpponan ng playoff para sa ikalawang semifinals seat.

Tatangkain nila ang awtomatikong pagpasok sa semis sa kanilang pakikipagtipan sa Alaska Milk Aces sa pagsasara ng classification round sa Big Dome bukas.

"We really wanted to play hard because we needed to win this game badly. We did work hard and it so happened that we also shot very well," ani Ginebra coach Jong Uichico sa pagpigil nila sa Coca-Cola sa kampanyang outright entry sa knockout bracket (teams from fifth to eighth) ng wildcard phase.

Nagtapos ng may double figures sina Ronald Tubid, Noel, Chico Lanete, Cyrus Baguio, Jayjay Helterbrand at JC Intal nang puntiryahin ng Kings ang 48.4 percent clip mula sa rainbow country at 59.3 percent sa two-point zone sa paghugot ng panalo.

Samantala, ipaparada naman ng Barako Bull ang kanilang ikatlong import na si Daryan Selvy na ipinalit kay Jamal Williams.

Kasalukuyan namang naglalaban pa ang Talk N Text at Alaska habang sinusulat ang balitang ito.

ALASKA MILK ACES

ARANETA COLISEUM

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BIG DOME

CHICO LANETE

COCA-COLA

CYRUS BAGUIO

DARYAN SELVY

DAVID NOEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with