^

PSN Palaro

Oracle sinorpresa ng Cobra

-

MANILA, Philippines – Sa unang pagkakataon sa semis, natikman ng nangungunang Oracle Residences ang kamandag ng Cobra Energy Drinkers makaraang tuklawin ang panalo, 92-88 para iusad ang tropa sa finals ng 2009 PBL PG Flex Unity Cup semifinals sa San Juan Gym kahapon.

Sa pinagsama-samang lakas nina Paul Lee, Rudy Lingganay at Patrick Cabahug, nakapaglista ang tatlo ng 10 points mula sa 3 points area para ihabol ang panalo at iabante ang Warriors sa 2-1 baraha.

 Dahil sa mababang field goal shooting, sinamantala ng Energy Warriors ang kahinaan ng kalaban para iposte ang 73-61 na bentahe.

 Para tapusin ang serye, pinwersa ng Titans na makahabol nang mailapit ang lamang sa 78-79 sa huling 2:19 minutong nalalabi sa pamumuno ni Fil Am Chris Timberlake.

Sa mabilis na pagresponde nina Lingganay at triple ni Cabahug, naapula kaagad ng Cobra ang nag-aalab na kagustuhan ng Oracle na makuha ang three game sweep ng serye.

Asam ng Cobra na mapa-ralisa ang Titans sa ikalawang pagkakataon sa nakatakda nitong paghaharap bukas ng alas kuwatro para ipagtanggol ang tiket sa finals.

“It’s a battle for survival in Game 4 and hopefully we can force a knockout game,” wika ni Cobra head coach Lawrence Chongson.

Buhat sa 26 point performance sa Game 2, umarangkada si Lee ng may 18 points, 7 rebounds, at 4 assists habang ang 15 markers na naitala ni Lingganay ay nagmula sa 3-of 3 mula sa three point range.

Sa ikalawang laro, nagrally ang Pharex mula sa 16 point deficit at hugutin ang 85-76 panalo sa overtime laban sa Licealiz at humakbang papalapit sa kanilang kauna-unahang finals appearance.

Kumana ng 21 puntos 12 rebounds at 9 assists si Chris Ross, na may karamdaman sa unang dalawang laro ng serye, nang kunin ng Bidang Generix ang 2-1 abante sa kanilang sariling serye. (Sarie Francisco)

Cobra 92 - Lee P. 18, Lingganay 15, Acuna 12, Cabahug 12, Reyes 10, Llagas 10, Espiritu 8, Colina 5, Fampulme 2, Lee R. 0, Martinez 0.

Oracle 88 - Timberlake 16, Gaco 16, Fernandez 14, Labagala 10, Wilson 9, Maierhofer 7, Cervantes 6, Asoro 5, Sanga 3, Dedicatoria 2, Knuttel 0, Serios 0, Nocom 0.

Quarterscores: 10-18; 46-40; 68-57; 92-88.

Pharex 85 - Ross 21, Allera 14, Matias 13, Saladaga 10, Canlas 5, Aguilar 2, Faundo 2, Ebuen 2, Melegrito 2, Urbiztondo 2.

Licealiz 76 - Sena 20, Vanlan-dingham 16, Cruz 14, Maconocido 8, Daa 6, Convento 4, Quinday 4, Viray 4, Morial 0, Saguindel 0.

Quarterscores: 21-21; 35-46; 50-62; 73-73; 85-76.



BIDANG GENERIX

CABAHUG

CHRIS ROSS

ENERGY WARRIORS

FIL AM CHRIS TIMBERLAKE

FLEX UNITY CUP

LAWRENCE CHONGSON

LEE P

LEE R

LINGGANAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with