Valdez, bumaril ng gold

MANILA, Philippines – Tulad ng inaasahan ipinakita ng 14 anyos na si Jayson Valdez ang kanyang tikas nang mapagwagian nito ang men’s air rifle gold medal sa 1st NYDP-Cris Capinpin Memorial shooting tournament sa PSC/Marines range sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Si Valdez, na kasama na sa Philippine team na lalahok sa Asian Youth Games sa Singapore sa July ay nagpaputok ng 571 puntos upang daigin si Santino Hermoso (570) at Filbert Tan (559).

Kumopo din ng ginto ang tambalan ng magkapatid na sina Simon at Shanin Gonzales ng Team Tagaytay sa men’s at women’s air pistol event.

Nagposte si Simon ng 555 upang daigin si Mark Manosca (543) at Dervin Tan (515) habang bumaraha naman si Shanin ng 376 upang maungusan si Alyanna Chuatoco (363) at Maika Lacson (358).

Naghari din sina Diane Nicole Eufemio at Andrea Faushman sa women’s air rifle at women’s air rifle (without jacket) competition, ayon sa pagkakasunod.

Bumaril ng 382 si Eufemio para igupo si Venus Tan (376) at Marie Isabelle Eufemio (375) habang nagtala naan si Faushman ng 337 upang daigin si Kaye Lucaylocay (332).


Show comments