Naglaho ang pangarap ng Smart Gilas Pilipinas

JAKARTA, Indonesia -”We’ve only just begun.” Ito ang awitin ng Carpenters na inaawit ng Smart Gilas Pilipinas makaraang lasapin ang nakakadismayang 71-76 kabiguan sa quarterfinal sa Al Arabi ng Qatar at maglaho ang pag-asa sa 20th FIBA-Asia Champions Cup sa Britama Arena dito.

Ang mga bata at mata-tapang na Nationals, na binuo lamang may anim na buwan ang nakalilipas, ay naglaro ng todo ngunit kinapos ang pagsisikap sa mas matatangkad at ekspiriyensadong Qataris upang maglaho ang pag-asang makapasok sa semis.

“The loss was part of our lack of experience, we’re just in the beginning of our journey,” wika ng dismayadong RP’s Serbian coach Rajko Toroman.

“Qatar team played well, maybe one of their best games here, they played smart. I told the guys in one of our meetings that if we keep them below 80 points, we would have a chance.

“We had some easy, easy shots, but we couldn’t execute. We couldn’t make our shots at the three-points,” dagdag pa niya.

Ang mga Pinoy, na binubuo ng mga panguna-hing collegiate stars sa bansa ay mabagal ang naging simula ngunit nakabangon mula sa malaking double-digit na kalamangan ng kalaban ngunit kinapos sa momentum nang mapressure sa mahigpit na depensang ibinigay ng Qataris.

May solidong laro si CJ Giles, na nagpapagaling pa ng injured na left quadriceps na kanyang tinamo nang ma-upset nila ang Al Riyadi ng Lebanon noong Biyernes, nang kumana ito ng 20 puntos, 18 rebounds 3 steals at 2 blocks.

Ngunit nang humugot ng ikaapat na foul si Giles sa fourth quarter, wala nang pumuno sa puwesto niya.

Humataw din sina Mark Barroca na nagtala ng 16 puntos at Dylan Ababou na may 12 puntos ngunit hindi umubra bunga ng huli na para maibangon pa ang koponan.

“The biggest problem in the end was we fell into a maze of confusion,” ani Toroman.


Show comments