MANILA, Philippines – Napigilan na Oracle Residence ang pagbangon ng Cobra Energy Drink, 78-73, at abot-kamay na ang pagkuha sa unang finals berth, sa 2009 PBL PG Flex Unity Cup sa San Juan gym, kahapon.
Humarurot ang Titans sa 73-56 bentahe sa kalagitnaan ng ikaapat na quarters ngunit nabokya ng ilang minuto na nagbigay daan upang makadikit ang Energy Warriors, 76-73 sa maiinit na kamay nina Paul Lee at Patrick Cabahug.
Nagkaroon pa sana ng tsansa ang Energy Warriors na itabla ang iskor matapos sumemplang ang offensive play ng Titans ngunit nagmintis naman si Orlando Daroya sa kanyang tangkang tres.
Isinelyo ang tagumpay ni VJ Serios ng may dalawang foul shots may 13.6 tikada ang nasa orasan at ipuwersa ng Mikee Romero-owned franchise ang koponan na makalaro sa finals sa ikapitong sunod na pagkakataon.
Samantala sa naunang laro, bumangon mula sa unang kabiguan, pinataob ng Pharex ang Licealiz, 82-73 para itabla ang kanilang baraha para sa semis.
Mula sa triple-double performance ni Fil Am Chris Ross, naibangon niya ang koponan sa pagkakalugmok sa Game 1.
Bilang top pick sa rookie draft, pinatunayan ni Ross ang kakayahan nang kumana ito ng 20 points, 14 rebounds at 10 assists sa 38 minuto ng laban para salantahin ang puwersa ng Hair Doctors at itala ang 1-1 pagkakatabla para sa best of five series.
Kampante sa 17 point lead, natapyas ng Lice-aliz ang kalamangan sa 3 points, subalit ang tres na pinakawalan ni forward Ronnie Matias at lay-up ni Ross ang tumapos sa momentum ng Hair Doctors.
Nakahugot rin ng 19 points at 10 rebounds si Ian Saladaga habang ang 11 points 10 rebounds ni Matias ang umakay sa panalo ng tropa ni Carlo Tan.
Sa kabilang banda, kumasa naman ng 19 points at 10 rebounds si Former UAAP MVP Jervy Cruz para sa Licealiz habang ang 16 points at 8 rebounds na ambag rin ni Dino Daa ay hindi sumapat para itala ang 2-0 bentahe.
Pharex 82 - Ross 20, Saladaga 19, Matias 11,? Ebuen 10, Aguilar 5, Melegrito 5, Allera 5, Mazo 3, Faundo? 2, Co 2, Canlas 0, Bauzon 0. ?
Licealiz 73 - Cruz 19, Daa 16, Morial 12,? Vanlandingham 11, Viray 5, Sena 5, Quinday 3, Convento 2,? Saguindel 1, Maconocido 0, Hugnatan 0.?
Quarterscores: 27-18; 36-35; 66-49; 82-73.
Oracle 78 - Maierhofer 14, Asoro 14, Gaco 13, Labagala 12, Fernandez 8, Wilson 5, Timberlake 4, Serios 4, Dedicatoria 4, Sanga 0.
Cobra 73 - Lee P. 26, Cabahug 20, Daroya 6, Lingganay 4, Fampulme 4, Reyes 3, Llagas 3, Acuna 2, Fortune 2, Martinez 2, Espiritu 1, Foronda 0.
Quarterscores: 17-15; 32-32; 63-50; 78-73.