^

PSN Palaro

Adamson vs Ateneo sa do-or-die match

-

MANILA, Philippines - Hinadlangan ng San Sebastian ang pangarap ng defending champion Adamson University na makamtam ang outright quarterfinal seat makaraang igupo ito sa iskor na 25-18, 25-18, 21-25, 25-20 noong Huwebes, at binigyan ng pag-asa ang Ateneo-OraCare Lady Eagles sa 6th Shakey’s V-League sa The Arena, San Juan.

 Bunsod sa pagkapanalo ng Lady Stags, kapwa hawak ng SSC at UST ang 6-1 baraha sa pagtatapos ng single round elims, habang itinulak nito ang do-or-die match para sa huling pwesto ng semis sa pagitan ng Adamson at Ateneo OraCare.

 Kapwa magpapasiklab ang dalawang koponan na may 4-3 kartada sa pagtuka ng panalo para sa last berth ng sudden death game na magsisimula ng alas-4 ng hapon bukas.

Sa kabilang banda, maluwag nang nakahinga ang FEU na pumoste ng 5-2 kartada para angkinin ang ikatlong pwesto ng next round na kinabibilangan ng top provincial teams na Univ. of San Jose Recoletos of Cebu at St. La Salle Bacolod na magbubukas sa Martes.

 Matatandaang naungusan ng Falcons ang Stags, 25-20, 25-19, 25-18,  sa opening game ng torneong hatid ng Shakey’s Pizza.

Nagpasikat ang Thai import na si Jaroensri Bualee na tumipa ng 24 points kabilang ang 21 kills, habang ang 20 hits na ambag ni Laurence Latigay ang kumubra ng ika-sixth straight win ng Stags.

Hindi rin nagpahuli si guest player Suzanne Roces na kumana ng solidong laro matapos magpamalas ng 16 points at 4 blocks.

Samantala, buhat sa dugo’t pawis at anim na taong sakripisyong inalay ng Sports Vision na paunlarin ang Women’s volleyball sa bansa, nakahanda na ang Shakey’s V-League na maging semi-professional league para matamo ang layon nitong masustinihan ang produktong pinagyayaman nila.

“The interest of the public is already there, I believe the league has already succeeded in that aspect. The next step would be how to make our players continue playing as a profession after their collegiate playing days are over. And we can only do that by providing venue where they can play and earn a living at the same time,” pahayag ni Sports Vision president Moying Martelino.(Sarie Nerine Francisco)

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

ATENEO

JAROENSRI BUALEE

LADY EAGLES

LADY STAGS

LAURENCE LATIGAY

MOYING MARTELINO

SAN JOSE RECOLETOS OF CEBU

SHAKEY

SPORTS VISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with