^

PSN Palaro

2-0 bentahe asam ng Licealiz at Oracle

-

MANILA, Philippines - Malinis na marka para sa semis ang hangad ng magkaribal na Licealiz Shampoo at Oracle Residences sa kani-kanilang asignatura upang masolo ang liderato sa 2009 PBL PG Flex Unity Cup.

 Mula sa 83-70 win ng Oracle sa Game 1, inspirado ang tropa ni Glenn Capacio na akyatin ang rurok ng tagumpay para ituloy ang alamat ng Batang Pier.

Inaasahang mas lalong palalakasin ng Titans ang pwersa para ilampaso ang Energy Drinkers sa ikalawang pagkakataon sa laban ng alas-4 ng hapon.

Samantala sa inisyal na laro na magsisimula ng alas dos ng hapon, hangad ng Hair Doctors ni Egay Ma-caraya na madomina ang laro matapos pataubin ang Pharex, 83-72 sa unang paghahaharap ng best of five series ng liga.  Lumimbag naman ng double-double performance, 17 points at 10 rebounds si Maie0rhofer na taas noong tinapos ang kanyang amateur career. Matagumpay ring nakabalik sa game si Jerwin Gaco na nagsalpak ng 16 points at 11 rebounds sa tropang pag-aari ni Mikee Romero.

Habang sinamantala ni Cobra mentor Lawrence Chongson ang height advantage ng kayang koponan para kontrolin ang laban, subalit handa namang paigtingin pa ang kampanya sa liga.  

Sa kabilang banda, para maigupo ng Pharex ang Hair Doctors, kinakailangang magpasikat nina Ian Saladaga at Ronnie Matias na bumulsa lang ng 7 puntos.

Habang dapat pigilan ng Pharex ang kampo ni Josh Vanlandingham, Lance Convento, Jervy Cruz, Jim Viray at Dino Daa na umis-kor para sa Licealiz. (Sarie Nerine Francisco).

BATANG PIER

DINO DAA

EGAY MA

FLEX UNITY CUP

GLENN CAPACIO

HABANG

HAIR DOCTORS

IAN SALADAGA

JERVY CRUZ

PHAREX

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with