Semis puntirya ng Adamson Lady Falcons
MANILA, Philippines – Patutunayan ng Adamson University na kaya nitong tumayo at maghiganti para makuha ang huling puwesto sa semis sa pakikipagtipan nito sa nangungulelat na UP para sa pagpapatuloy ng sixth Shakey’s V-League sa The Arena, San Juan City.
Magkasosyo sa ikalawa at ikatlong pwesto, kapwa iniingatan ng FEU at SSC ang magandang record sa liga.
Magkakasubukan ang tibay ng opensa at higpit ng depensa ang San Sebastian at Far Eastern University para sa second quarterfinal berth.
Ang sinumang koponang mananaig sa salpukang ito ay makakasama ng UST para lumaban sa top provincial teams na University of St. La Salle-Bacolod at University of San Jose Recoletos.
Sa susunod na laban, dedepensahan ng last year’s second conference winner ang trono sa pa-ngunguna ni Thai import Jaroensri Bualee at ang hampas ng local players na sina Suzanne Roces, Sasa Devanadera, Lou Ann Latigay at Joy Benito ang inaasahang magtutulak ng panalo sa grupo.
“It would be better if we win today rather wait for the next game to get into the next round. But we have to be consistent with our game,” ayon kay SSC coach Roger Gorayeb.
Samantala, magtata-gisan ng galing ang AdU at SSC sa Huwebes na agad namang susundan ng maaksyong sagupaan sa pagitan ng FEU at Ateneo OraCare.
“We have to stay focused and do all what we have been practicing,” ani FEU mentor Nes Pamilar, makaraang maagang makaalpas sa bagsik ng Lady Falcons sa pamamagitan ng three set win noong Linggo.
Hangad ng Lady Tams na maparalisa ang depensa at mapahina ang reception ng grupo sa pangunguna ni Rachel Daquis, na susuportahan ni Maica Morada, Shaira Gonzales, Cherry Vivas at guest player Mayette Carolino. (SNFrancisco)
- Latest
- Trending