^

PSN Palaro

Careline Pilipinas Women's Team kakaliskisan

-

MANILA, Philippines – Ang bagong organisadong Careline Pilipinas Women’s Youth team ay mahaharap sa unang pagsubok nito sa paglahok sa Women’s Basketball League na magbubukas ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang 24-player national pool ay magaganap sa Philippine College of Criminology ganap na 8pm, sa pangu-nguna ni coach Patrick Aquino na hangad na hasain ang abilidad ng mga manlalaro kumpara sa nakalipas na buwan.

Sa tulong ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa ilalim ni PLDT at Smart chairman Manny V. Pangilinan, layon nito na muling buhayin ang karera ng women’s basketbol sa ating bansa.

Ang koponan na suportado ng malalaking kumpanya, tulad ng Ever Bilena Cosmetics Inc. sa pamamagitan ni Dioceldo Sy, Philippine Sports Commission, ay babanderahan nina Danica Jose at sasamahan nina Trish Piatos at Tara Araneta.

Kasalukuyang nang naghahanda ang Careline RP Team sa pagsabak nito sa SEABA na magsisimula sa Setyembre. Subalit, hindi dito nagtatapos ang pagbulusok ng tropa. Matinding pagsasanay ang ginagawa ng grupo para sa 16 tournament na magbubunsod upang maging qualifier FIBA-Asian na masasaksihan sa Oktubre.

Kabilang sa mga Careline RP Team sina Bea Daez, Jona Melendrez, Jeannie Pioquinto, Marian Mejia, Kit Nittoreda, Chesky Tantoco ,Camille Claro at ang 6’1 na anak ng former PBL hotshot na si Bobby Jose.

“This is a big test for us, and we hope to gain experience from this tournament,” ani Aquino.?

Sa kabilang dako, dahil sa pangunguna sa Women’s PBL, makakasama ang Ever Bilena sa 14 team tournament. (Sarie Nerine Francisco)


BASKETBALL LEAGUE

BEA DAEZ

BOBBY JOSE

CAMILLE CLARO

CARELINE

CARELINE PILIPINAS WOMEN

CHESKY TANTOCO

DANICA JOSE

DIOCELDO SY

EVER BILENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with