^

PSN Palaro

Barnachea lider na

-

APALIT, Pampanga, Philippines – Binuksan ni Air21 skipper at two-time champion Santy Barnachea ang sariling tour de force habang umusad naman ang mga bigatin sa pinalawig at napalitan ng rutang Apalit-to-Apalit stage kahapon upang maagaw ang overall individual leadership sa ikalawang araw ng 2009 Padyak Pinoy Tour of Champions.

Trinangkuhan ng bete-ranong SEA Games campaigner na si Irish Valenzuela ang pulutong ng 10 riders ngunit si Barnachea ang may pinakamalaking nakuha nang maagaw niya ang ‘MVP’ yellow jersey kay Renato Sembrano patungo sa ikatlong yugto na magdadala sa mga siklista sa Dagupan ngayon.

Si Barnachea, nagwagi noong 2002 Calabarzon Tour at 2006 Padyak Pinoy Tour Pilipinas, ay nakadikit sa lead pack na tinahak ang 210 km race sa bilis na 4:52:55.

Ang orihinal out-and-back ruta ay kinapapalooban lamang ng 98 km. Ngunit nadoble ito ng baguhin ang ruta bunga ng mga ginagawang kalsada at iba naman ay hindi ma-daan dahil lubog sa baha sanhi naman ng bagyong ‘Emong’.

Sa naturang yufgto ay tinampukan ng matarik na akyatin sa may Bataan at Olongapo, akyatin sa Dinalupihan at mahaba at akyat-babang takbuhin sa may SCTEX naiwan si Barnachea, Valenzuela at walo pang iba sa unang pulutong na pumasok sa McArthur Highway sa Mabalacat para sa huling 20 km.

Pitong team skipper--sina Barnachea, Arnel Quirimit (Columbia Sportswear), Eric Feliciano (Cargohaus), Oscar Rindole (Ube Media), Joel Calderon (Smart Buddy), Baler Ravina (Burger King) at Lloyd Reynante (American Vinyl) ang magkakasama sa grupo na nagsama-sama sa pagtawid sa finish line na may magkakaperahang oras na 4:52:55.

Si Quirimit, ang 2003 champion, ay tumalon mula sa 6th paakyat sa second may 19 segundo sa likuran ni Barnachea, habang si Ravina ay umakyat ng pitong baitang at ang dating lider na si Sembrano naman ay nalaglag sa ikaapat kasama si Rindole.

Bukod kay Reynante, dalawa pang American Vinyl riders na sina Ronel Huada at Cris Joven ay nakipag-unahan din sa stage honor na nagbunga ng maganda para sa kanilang koponan sa team classification leadership. (Nelson Beltran)


AMERICAN VINYL

ARNEL QUIRIMIT

BALER RAVINA

BARNACHEA

BURGER KING

CALABARZON TOUR

COLUMBIA SPORTSWEAR

CRIS JOVEN

ERIC FELICIANO

IRISH VALENZUELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with