^

PSN Palaro

Adamson at FEU may nais patunayan

-

MANILA, Philippines – Papatunayan ng Adamson at Far Eastern Univ. kung sino ang mas magaling na koponan para maipagtanggol ang ang-king titulo sa play-off para sa second quarterfinal berth ng sixth Shakey’s V-League sa Blue Eagle gym sa Ateneo.

Bitbit ang 3-1 bentahe, magkasosyo ang Lady Falcons at Lady Tams sa ikatlo at ikaapat na pwesto ng liga.

Inaasahang magiging maaksyon ang bakbakang magpapasiklab sa ganap na alas-4 ng hapon.

Ang mananaig sa larong ito ay makakasama ng San Sebastian at makakasiguro ng puwesto sa quarterfinals sa torneong hatid ng Shakey’s Pizza at inorganisa ng Sports Vision.

Ang Lady Tams ang maituturing na may pinakamahirap na asignatura sapagkat nakatakda nilang makasagupa ang fLady Stags sa Martes.

Sa parehong araw, makakaharap rin ng Lady Falcons ang Lady Pirates na nagnanais maibalik ang sigla ng laro matapos ang kamalasan.

Para sa Adamson, ang walang kupas na power plays nina Angela Benting, Rissa Jane Laguilles, Paulina Soriano at Lizlee Gata ang mag-aangat sa pwesto ng tropang nakadestino sa San Marcelino, habang sa ilalim ng opensa nina Rachel Daquiz, Irish Morada at Cherry Viva mananaig ang lakas ng Lady Tams.  

Sa kabilang banda, panatag na ang loob ng three time champion UST matapos makauna sa quarterfinals makaraang patalsikin ang Lyceum noong Huwebes.

Habang patuloy ang pakikipaglaban ng SSC, Adamson, FEU at Ateneo para panatilihing buhay ang tiket sa susunod na round.

Samantala, gagawing sandata ng Ateneo OraCare ang paglalaro sa homecourt para isulong ang kampanya at pataubin ang UP sa kani-lang pagtitipan ng 6pm.

Ang top provincial team na makakalaro sa quarterfinals ay University of San Jose Recoletos of Cebu at University of La Salle- Bacolod. (Sarie Francisco)


vuukle comment

ADAMSON

ANG LADY TAMS

ANGELA BENTING

ATENEO

BLUE EAGLE

CHERRY VIVA

FAR EASTERN UNIV

IRISH MORADA

LADY FALCONS

LADY TAMS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with