^

PSN Palaro

SSC Lady Stags nakasiguro na sa quarterfinals

-

MANILA, Philippines – Katulad ng inaasahan, inilampaso ng San Sebastian sa isang straight win set ang nangungulelat na University of the Phils. 25-9, 25-19, 25-18 para isiguro sa ang puwesto sa quarterfinals para sa sixth Shakey’s V-League sa The Arena, San Juan kahapon.

Pumalo ang Thai import ng Stags na si Jaroensri Bualee ng 24 points para isulong ang kanilang kampanya para sa 2nd straight championship title matapos payukurin ng UST.

Sa kabilang banda, umuwing bokya ang Lady Maroons para sa torneong hatid ng Shakey’s Pizza at inorganisa ng Sports Vision.

Sa inisyal na laro, naging krusyal ang paghaharap ng Ateneo OraCare at St. Benilde matapos kaladkarin ng Lady Eagles ang Lady Blazers, 25-7, 25-13, 25-21, para makapasok sa quarterfinal series ng ligang suportado ng Accel, Mikasa at OraCare. ?

Samantala, ang pambatong Thai import ng Lady Eagles ay bumulsa ng 20 hit job, habang umiskor ng 12 at 11 points sina alumna Charo Soriano at Fille Cainglet para dominahin ang laro kontra sa Lady Blazers.

Sa kabila ng pagka-panalo, napako sa ikalimang puwesto ang Ateneo na sinusundan ang defending champion na Adamson at FEU na kapwa may 3-1 baraha sa huling linggo ng single round elims ng liga.

Sa pinagsamang produksyon ni Cainglet na 10 points at 18 kills ni Keawbundit, tuluyan ng napataob ng koponan ang Lady Blazers na umaasam na manalo sa isang oras at 6 minutong duwelo.

Nahirapan ang Lady Blazers sa kanilang set plays at bigong makapuntos kung saan nalimita ang guest player nilang si Maureen Penetrante sa 7 hits at 8 point performance. (Sarie Nerine Francisco)


vuukle comment

ATENEO

CHARO SORIANO

FILLE CAINGLET

JAROENSRI BUALEE

LADY

LADY BLAZERS

LADY EAGLES

LADY MAROONS

MAUREEN PENETRANTE

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with