MANILA, Philippines - Tatangkain ng Licealiz at Pharex na makuha ang huling dalawang pwesto sa semis sa kanilang pakiki-pagtunggali sa magkahiwalay na laro para sa pagpapatuloy ng 2009 PBL PG Flex Unity Cup na gaganapin sa San Juan gym.
Matagumpay na naiposte ng Bidang Generix ang panalo para sa huling dalawang laban para makaabot sa wild card race matapos gibain ang Magnolia, 80-61 noong Martes.
Nagpakawala ng triple double si Fil Am Chrs Ross na siyang nagbaon sa kalaban na ginatungan pa ng steady shooting ni Ian Saladaga.
Samantala, alerto ang Oracle Titans na pangalagaan ang magandang 6-1 baraha.
Inaasahang wawalisin ng sister team ng Harbour Centre ang Pharex sa bakbakan ng alas-kuwatro ng hapon.
Hindi rin naman pahuhuli ang San Miguel Wizards na babalikwas sa pangunguna ni Jappy Pascual, mula sa kabiguang natamo sa nakalipas na laban.
Habang ipipilit ng Hair Doctors na itabla ang marka sa Bidang Generix na may 4-3 baraha.
Kung sakaling kapwa malaglag ang Magnolia at Pharex, mauupo ang Bidang Generix sa ikatlong pwesto para sa Final four Phase, na magbubunsod ng best-of three affair kontra Cobra Energy Drink.
Sa kabilang dako, kapag natalo ang Pharex sa Oracle Titans, makakaabante na ang Wizards at Hair Doctors sa semis.
Ngunit, kapag nagwagi ang Magnolia, at mapataob rin ng Pharex ang katipan, makakauna na sa semis ang Magnolia at Pharex.
Para sa Oracle, ibabandera ni Tamaraw coach Glen capacio ang beteranong sila Rico Maierhofer, Benedict Fernandez at Chris Timberlake na tumalo sa Pharex sa unag round, 92-84.
Kinakailangang paig-tingin ng Titans ang ensayo upang maulit ang panalo kontra Pharex. (Sarie Nerine Francisco)