LOS ANGELES --Da-han-dahang isinara ni Freddie Roach ang pinto para kay Ricky Hatton.
Sinabi ni Roach, ang pinakamatagumpay na boxing trainer sa buong mundo na, nasisiyahan siya sa mga ulat na nais siyang kunin ng British star, na ginuho ni Manny Pacquiao sa GM Grand Garden Arena noong Sabado bilang trainer.
Ito ay matapos ang mga ulat na may hindi magandang namamagitan kina Hatton at sa kanyang trainer na si Floyd Mayweather Sr. May mga ulat na hindi gusto ni Hatton ang pagdating ng huli ni Mayweather sa kanilang mga ensayo.
Sinabi ni Roach na may magandang dahilan siya para tanggihan si Hatton.
“I heard that story through my friend Billy (Keane). And so a lot of people asked me, “Would I train Hatton?” kuwento ni Roach sa mga Pinoy sportswriters na bumisita sa Wild Card Gym.
“At this point I can only help him dagdag niya.
Si Khan, na mula din sa United Kingdom, ay nakatakdang lumaban kontra kay Andriy Kotelnik para sa WBA lightwelterweight title sa June 27 sa Greenwich, London.
At may posibilidad na kapag hindi pa nagretiro si Hatton ay makalaban niya si Khan kapag nanalo it okay Kotelnik.
“I don’t want to see anyone get hurt,” wika ni Roach, na nagsabing baka matulad din ang kapalaran ni Hatton kapag nakalaban siya si ni Khan.
“I think he should retire. He has a lot of money. He has a family. Knockouts like that are not good. That was a dangerous knockout. It was a little scary. He was out cold he never had a clue where he was,” wika ng American trainer.
“I hope he retires. So, will I train him? Probably not,” aniya.
Isang araw matapos ang laban, inubos ni Hatton ang kanyang oras sa paglalaro ng pool sa Vegas hotel, na naka-shorts, bare-chested, at nakasuot ng sunglasses kasama ang magandang fiancée na si Jenifer Dooley.
Sa ngayon, si Roach na ang hinahabol na trainer sa sports at sinabi nitong utang niya ang lahat kay Pacquiao na halos walong taon na silang magkasama sapul nang una silang magsama sa laban kay Lehlo Ledwaba.
“The reason why I’m the best trainer is that I have the best fighter in the world. He makes me look good,” aniya.
At pamoso rin.
“A little more famous than ever. I was driving home last night (from Vegas to LA) and stopped by a restaurant. Then I was taking pictures everywhere. ‘Hey that’s Pacquiaos trainer’ people would say,” wika ni Roach.
Samantala, hinikayat ni DOH health secretary Francisco Duque III na pansamantalang ipostpone muna ni Filipino boxing idol Manny Pacquiao ang kanyang pagbalik dito sa bansa upang maiwasan ang pagkalat ng swine flu mula sa Amerika.
Sinabi ni Duque sa harap ng mga reporters na batay sa rekomendasyon na mula sa world Health Organization kay Pacquiao at sa kanyang entourage, na manatili muna sa Los Angeles at iobserba ang self-quarantine hanggang sa susunod sa linggo dahil sa napaulat na may virus na nakita sa nasabing lungsod.