MANILA, Philippines – Bilang isang natatanging American cager sa national training pool, unti-unti ay nagagamay na ni CJ Giles ang pilosopiya ni Serbian head coach Rajko Toroman.
“I’m really adopting pretty well because I play in L.A. (Los Angeles Lakers) and it’s kinda the same thing,” wika kahapon ng 6-foot-10 na si Giles. “We have the same kind of triangle (offense) that coach Rajko is trying to put into the players, and I think I fit very well.”
Ang 23-anyos na si Giles ay nagmula sa Kansas University at University of Oregon bago kinuha ng Los Angeles Lakers sa 2008 NBA Rookie Draft kung saan siya naglista ng mga averages na 2.7 puntos at 3.4 rebounds sa limang laro.
Matapos ang maiksing panahon sa Lakers, nagtungo naman ang 240-pounder sa Toronto para sa isang NBA Summer League na hindi naman siya pinalad na makuha sa tropa ng Toronto Raptors.
Sa kamalasan sa Raptors, naglaro si Giles sa NBA Develop-mental League para sa Sioux Falls Skyforce bago puntiryahin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).
Inaasahan ni Toroman na malaki ang maitutulong ni Giles sa kampanya ng RP Gilas Team sa darating na FIBA-Asia Champions Cup na nakatakda sa Mayo 12-20 sa Jakarta, Indonesia.
“We are in a very difficult group with the team from Iran, Lebanon, Korea and Kuwait,” ani Toroman. “I can tell you that maybe this is a much stronger competition than the last FIBA-Asia Champions Cup.”
Bukod sa apat na miyembrong nakapaglaro sa nakaraang 2008 Olympic Games sa Beijing, China, dalawang dating NBA cagers rin ang ibabandera ng Iran.
“This is a very tough competition for our young team and this is the reason why we invited CJ (Giles) to help us in that competition because our team is so young and without international experience,” ani Toroman.
Umaasa rin si Toroman na makapaglalaro na sa Nationals sina dating Ateneo De Manila University slotman Japeth Aguilar at Fil-Ams Chris Lutz ng Marshall University at Sean Anthony ng McGill University.
Ang six-foot-two na si Lutz ay isang shooting guard na nagposte ng mga averages na 10.7 puntos, 2.4 rebounds at 2.4 assists para sa Marshall, habang ang 240-pounder naman na si Anthony ay naging ikaapat na all-time leading scorer ng McGill mula sa kanyang 1,834 career points.
Ang iba pang miyembro ng national training pool ay sina Chris Tiu, Mark Barroca, JV Casio, JR Cawaling, Aldrech Ramos, Marnel Baracael, Magi Sison, Ford Arao, Greg Slaughter, RJ Jazul, Rey Guevarra, Ryan Buenafe, Dylan Ababou at Jason Ballesteros. (RCadayona)