UST balik sa liderato

MANILA, Philippines – Bumalikwas mula sa 7 puntos na pagkakabaon sa ikaapat na quarter ang University of Santo Tomas upang pigilan ang win run ng Far Eastern University sa pamamagitan ng 25-23, 21-25, 25-22, 27-25 panalo upang mapanatili ang solo liderato sa 6th Shakey’s V-League sa The Arena sa San Juan City.

Binanderahan ni Michelle Carolino ang rally ng Tigresses mula sa 12-19 deficit sa ikaapat kung saan pumalo ang 3-time champion ng 10 sa sumunod na 13 puntos at ipuwersa ang deadlock sa 22-all bago naagaw ang abante sa 25-23 tungo sa panalo.

Ang UST, na pinigil ng Ateneo-OraCare sa five-setter ay naglista ng kanilang ikaapat na panalo laban sa isang talo at masiguro ang koponan sa playoff para sa quarterfinal berth.

Sa naunang laro,  tuluyan nang naglaho ang pangarap ng Lyceum na makalaro para sa liga nang nagpamalas ng umaatikabong hampas ang St. Benilde at payukurin ng Lady Blazers sa iskor na 25-23, 21-25, 25-11, 23-25, 15-13.

Malaki ang naging baha-gi ni guest player Maureen Penetrante para palubugin ang naghihingalong Lady Pirates.

Kahit ikalawang panalo palang ito ng CSB, napanatili nila ang pwesto para makaabante sa next round ng single round elims phase.

 Nagrehistro ng 21 hits si Penetrante habang nagdagadag pa ng 19 points si Giza Gumang para tuluyan ng burahin ang hangad ng Lyceum na makahabol pa sa laban para sa ligang suportado ng Accel, Mikasa at Oracare. (Sarie Nerine Francisco)


Show comments