^

PSN Palaro

Texters ipaparada ang bagong import

-

MANILA, Philippines – Umaasa ang Sta. Lucia na malulusutan nila ang hamon bagamat hindi pa rin makakalaro sina Kelly Williams at Bitoy Omolon sa pakikipagtipan nila sa Coca-Cola sa krusiyal na laban sa Motolite PBA Fiesta Conference sa Araneta Coliseum ngayon.

Ipaparada naman ng Talk N Text ang kanilang bagong import na si Gary Forbes sa pakikipaglaban ng Tropang Texters sa Rainor Shine Elasto Painters sa isa pang laro.

Samantala, tinanghal na Motolite-Accel Player of the Week para sa linggo ng Abril 29-May 3 si Arwind Santos bunga ng kanyang mahusay na performance sa kanilang laban kontra sa Barako Bull noong Huwebes at Alaska naman noong Linggo.

Makakaharap ng Realtors ang Tigers sa alas-7:30 ng gabi at umaasam na makakabangon mula sa kabiguan sa Giants noong Biyernes at makuha muli ang solong ikalawang puwesto sa likuran ng namumunong San Miguel Beermen.

Si Wiliams, na may blood disorder problem, ay nakatakda sa isa pang checkup at laboratory test sa Asian Hospital kahapon. May sakit na ito simula sa noong first game ng All-Star festivities sa Victorias, Negros Occidental.

Sa kabilang dako naman, si Omolon ay may bulutong-tubig.

Samantala si Forbes, isang Panamian national team mainstay ay papalit kay Tiras Wades, ay nahaharap sa malaking pagsubok sa kanyang debut kontra kay Jai Lewis. Nagkapag-ensayo na ito sa Texters ng tatlong beses sapul nang dumating ito sa bansa noong Linggo ng gabi. (Nelson Beltran)


ARANETA COLISEUM

ARWIND SANTOS

ASIAN HOSPITAL

BARAKO BULL

BITOY OMOLON

FIESTA CONFERENCE

GARY FORBES

JAI LEWIS

KELLY WILLIAMS

LINGGO

MOTOLITE-ACCEL PLAYER OF THE WEEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with