^

PSN Palaro

Batangas malinis sa 3-0

-

MANILA, Philippines – Gumawa ng tatlo sa pitong hits sa laro at Batangas sa ikapitong inning upang hilahin ang 2-1 panalo sa Dumaguete at maisulong sa 3-0 ang karta sa Baseball Philippines Series V kahapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Matapos ma-out ang leadoff batter ng inning na si Junifer Pinero ay magkasunod na singles ang ginawa nina Vladimir Eguia at Romeo Jasmin upang mamuro ang Bulls na naghabol agad sa unang inning nang umiskor ng unang run ang Unibikers.

Hindi naman nasayang ang puwestong ito nang humataw ng run-single si Jesse Natanauan para sa tying run ni Eguia bago ibinigay ni Jasmin ang panlamang na run sa isang fielder’s choice.

Si Jasmin, na naunang naglaro sa left field bago pinalitan si Eguia sa fifth inning ay hindi na pinatikim ng hits at runs ang Unibikers para malaglag sa 0-2 ang katunggaling koponan.

Naipagpatuloy naman ng nagdedepensang Cebu Dolphins ang mainit na hitting upang kunin ang ikalawang sunod na panalo sa pamamagitan ng 8-1 panalo sa Taguig Patriots.

Si Jonash Ponce ay mayroong two-run double habang si Jerome Bacarisas ay nagpasok din ng dalawang runs para katampukan ang 15 hits na ginawa laban kina Ernesto Binarao at Ronaldo De Los Reyes.

Ito ang ikatlong sunod na kabiguan ng Patriots sa ligang inorganisa ng Community Sports Inc.


BASEBALL PHILIPPINES SERIES V

CEBU DOLPHINS

COMMUNITY SPORTS INC

EGUIA

ERNESTO BINARAO

JEROME BACARISAS

JESSE NATANAUAN

JUNIFER PINERO

RIZAL MEMORIAL BASEBALL STADIUM

ROMEO JASMIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with