MANILA, Philippines – Muling sasabak sa aksiyon ang may ilang daang bowling fanatics sa paggulong ng qualifying period ng 2009 Bowling World Cup competitions ngayon sa 17 centers sa Metro Manila at probinsiya.
Ang adhikain ng bawat partisipante sa national World Cup ay maging kinatawan ng bansa sa 45th international finals na nakatakda sa Nobyembre 14-21 sa 52-lane Melaka Bowling Center sa Melaka, Malaysia.
Ang kompetisyon sa torneong co-sponsored ng Amway-Nutrilite ay gaganapin sa Paeng’s Eastwood Bowl, Puyat Sports Farmers, Superbowl, Bowling Inn, Paeng’s Towncenter Bowl, Paeng’s Midtown Bowl, SM Mall of Asia, SM Megamall, SM Fairview, SM North EDSA, SM Cebu, Coronado Lanes (dating Starlanes), Astrobowl (dating Metropolis-Alabang), Commonwealth, Paeng’s Freedom Bowl Imus, Puyat Sports Baguio at Paeng’s Skybowl.
Ang mga bowlers ay maaa-ring lumahok sa lahat ng centers kung nais nila. Ang first center finals ay idaraos mula July 3-9. At ang second qualifying period ay magsisimula sa July 10 na ang second center finals ay naka-takda sa Agosto 28 hanggang Setyembre 3.
Ang national finals ay gaganapin sa Setyembre 12 at 13 sa Coronado Lanes, September 15 at 16 sa SM Megamall at September 18 sa Paeng’s Eastwood Bowl.
Ang magkakampeon sa kalalakihan at kababaihan ay may hawak ng RP passports patungo sa international finals.