^

PSN Palaro

Titans dinungisan ng Wizards

-

MANILA, Philippines – Napatid na ang swerteng pinanghahawakan ng kauna-unahang koponang pumasok sa semis na Oracle Residences matapos dungisan ng Magnolia Purewater ang magandang rekord na pinanghahawakan sa kanilang pagtitipan kahapon sa San Juan gym para sa pagpapatuloy ng 2009 PBL PG Flex Unity Cup.

Bumida ang 5’8 Fil Am guard ng Magnolia na si Edwin Torres, nang magpakawala ito ng tres para patikimin ng pagkatalo ang Oracle.

Subalit, hindi naman pina-hintulutan ni Rico Maierhofer ang pag-arangkada ng Wizards nang ipasok nito ang bola para ihabol ang grupo, 76-75.

Ngunit ang basket ni JP Alcaraz ang tumapos sa laban pabor sa Wizards.   

Napaganda ng Magnolia ang kartada nila sa liga, hawak ang 3-3 baraha, samantalang, unang pagkabigo naman ang nalasap ng Oracle na may 5-1 rekord.

Sa kabila ng 5 puntos na naiambag ni Torres, tiwala si coach Koy Banal sa laro ng kanyang bataan na umaasam na makapaglaro sa pro-league.

Nagrehistro si Ogie Menor ng 17 points at 17 rebounds para sa bakbakang ito. Tumulong rin sina Marcy Arellano at Eder Saldua para mapataob ang Titans nang umiskor ng 13 at 10 points, ayon sa pagkakasunod.

?Hindi na binigyan ng pagkakataon ng Magnolia na lumamang pa ang Titans sa kabila ng paghahabol ng 16 points na pangalawa sa umaatikabong laban na ito.

Sa ikalawang laro, nagpasiklab si Josh Vanlandingham na nagtala ng career-high 32 points, at kunin ng Licealiz ang ikalawang second outright semis berth sa 92-84 panalo laban sa Cobra Energy Drink. (Sarie Nerine Francisco)


EDER SALDUA

EDWIN TORRES

FIL AM

FLEX UNITY CUP

JOSH VANLANDINGHAM

KOY BANAL

MAGNOLIA PUREWATER

MARCY ARELLANO

OGIE MENOR

ORACLE RESIDENCES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with