Chandler suwerte sa Purefoods
MANILA, Philippines - Dinaig ng nagbabalik na import na si Marquin Chandler ang dating karibal na si James Penny at talunin ng Purefoods ang Coca-Cola, 92-85 sa pagbabalik ng Motolite PBA Fiesta Conference at the Araneta Coliseum kagabi.
Si Chandler, ang Best Import Awardee sa naturang torneo noong 2006, ay nagmarka ng kanyang ikalawang pagbabalik sa Purefoods sa pamamagitan ng solidong laro na may 30 puntos, 12 rebounds, 4 blocks at 3 assists na nagbigay sa Giants na maalpasan ang .500 mark na may limang panalo at apat na talo.
“Obviously, it’s worth the wait. That’s the reason why we kept on waiting -- Marquin brought stability to this team,” ani Purefoods coach Ryan Gregorio.
“When we’re down, we usually crack down. Today, even when down, we pulled through because of Marquin. Even before the game, the atmosphere in the locker room was a lot better. It’s because we knew what Marquin can do,” dagdag ni Gregorio.
Si Chandler, na galing sa paglalaro sa Korean League, ay kumana ng 5-of-7 mula sa three-point area, 6-of-20 sa two-point zone at 3-of-3 mula sa stripe para magtapos ng lagpas ng apat na puntos sa kanyang PBA career average.
“I want to win a championship and that’s my goal in returning here,” pahayag ni Chandler pagkatapos ng laro.
Binanderahan ng dating San Jose State Spartan ang Giants sa second place na tinapos sa likuran ng Red Bull Barakos noong 2006 at nabigong tapusin ang laro noong 2007 sanhi ng injury.
Samantala, kasalukuyang naglalaro pa ang San Miguel at Talk N Text habang sinusulat ang balitang ito.
- Latest
- Trending