^

PSN Palaro

8th win target ng Beermen vs Tropang Texters

-

MANILA, Philippines - Apat na taon na ang nakakaraan nang makawalong sunod na panalo ang San Miguel Beer.

Mahirap gawin ito at ngayon may pagkakataon ang Beermen na ulitin ito.

Labing-anim na  araw ding napahinga sa aksiyon  ang San Miguel dahil sa pagdaraos ng liga ng All-Star weekend at nakahadlang sa kanilang inaasam na ikawalong sunod na panalo ay ang Talk N Text na mainit din sa kanilang tatlong sunod na panalo.

May posibilidad na na-ngalawang ang mga teams at napagod ang ilang players na nakibahagi sa mga aktibidades ng All-Stars na idinaos sa Victorias, Negros Occidental at Davao.

Isang malaking hamon ito para sa Beermen, ang league leader sa taglay na 7-0 win loss record na nakatakdang sagupain ang Tropang Texters sa tampok na laro, alas-7:30 ng gabi sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Araneta Coliseum.

Ngunit dapat isaalaala ang huling panalo ng Beermen kung saan napahinga din sila ng 17-araw  sa pagbibigay daan sa Semana Santa ngunit matagumpay nilang nagapi ang puwersa ng Rain Or Shine, 102-95 noong Abril12.

Kung ginawa ng Beermen ang kanilang asignatura at hindi nagpabaya sa kanilang pagpapakondisyon ay magagawa nilang ulitin ang 8-game winning streak na naitala nila noong 2005 Fiesta conference eliminations.

Mauuna rito sa alas-5:00 ng hapon ay ang sagupaan ng Purefoods (4-4) at Coca-Cola (2-5).

Magbabalik si Marquin Chandler para tulungan ang Purefoods kapalit ni Jamar Thorpe. (Mae Balbuena)

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BEERMEN

JAMAR THORPE

MAE BALBUENA

MARQUIN CHANDLER

NEGROS OCCIDENTAL

PUREFOODS

RAIN OR SHINE

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with